Ilang kompanya ng langis may bawas-presyo sa Lunes, Martes

ABS-CBN News

Posted at Feb 03 2019 07:27 PM

Ilan pang kompanya ng langis ang nag-anunsiyo ngayong Linggo ng bawas-presyo sa kanilang mga produkto.

Ayon sa SEAOIL at Petro Gazz, P0.35 ang kanilang ibabawas sa kada litro ng diesel at P0.65 sa kada litro ng gasolina simula alas-6 ng umaga ng Lunes, Pebrero 4.

Magpapatupad din ang SEAOIL ng P0.20 bawas sa kada litro ng kerosene.

Ayon naman sa Shell, P0.60 ang kanilang bawas sa kada litro ng gasolina, P0.35 sa diesel at P0.20 sa kerosene.

Epektibo ang bagong presyo ng Shell simula alas-6 ng umaga ng Martes, Pebrero 5.

Nauna nang magpatupad noong Sabado ang Phoenix Petroleum ng P0.65 bawas sa kada litro ng gaoslina at P0.35 sa kada litro ng diesel.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.