MAYNILA — Pinangunahan ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang paghahain sa tax evasion complaints sa Department of Justice (DOJ) ngayong Huwebes.
Sabi ni Lumagui Jr., kung susumahin, aabot sa P3.58 bilyon ang halaga ng tax na hinahabol sa mga kinasuhang korporasyon at indibidwal.
Una na nilang pinadalhan ng demand letters ang 74 korporasyon at indibidwal, pero hindi pa rin aniya nagbayad.
Nasa 53 na reklamo ang inihain sa DOJ habang may 21 hiwalay na complaints ang inihain din sa ibang rehiyon.
Kabilang sa mga isinampang reklamo ang willful failure to pay taxes; willful attempt to evade or defeat the payment of taxes due, at willful failure to pay/remit income tax liabilities.
Dagdag ni Lumagui, sunod na kanilang kakasuhan ay ang mga nagbebenta ng pekeng resibo at pekeng mga sigarilyo.
Inihahanda na lamang nila ang mga dokumento at ebidensya.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.