Diesel may rollback na P2 kada litro

ABS-CBN News

Posted at Feb 02 2020 05:50 PM

MAYNILA — Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis na magpapatupad sila ng bawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Unang nagpatupad noong Sabado ang Phoenix Petroleum ng P2 bawas sa kada litro ng diesel at P1.60 bawas sa kada litro ng gasolina

Sa Martes, Pebrero 4, naman magpapatupad ang Shell at Petro Gazz ng P2 bawas sa kada litro ng diesel at P1.60 bawas sa kada litro ng gasolina

Tatapyasan din ng Shell ng P2.45 ang kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.