Matapos ang apat na linggong magkakasunod na oil price hike, nagkaroon ng bahagyang rollback sa presyo ng petrolyo na sinimulan na ng ilang gasolinahan ngayong Sabado.
Umarangkada na nitong alas-6 ng umaga ang bawas-presyo ng Phoenix Petroleum na nagtapyas ng P0.65 sa kada litro ng gasolina at P0.35 sa diesel.
Batay sa kuwenta, maglalaro sa P0.60 hanggang P0.70 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina, P0.30 hanggang P0.40 sa diesel, at P0.10 hanggang P0.20 naman sa kerosene.
TINATAYANG ROLLBACK SA PETROLYO
•Gasolina → P0.60-P0.70/litro
•Diesel → P0.30-P0.40/litro
•Kerosene → P0.10-P0.20/litro
Inaasahang mag-aabiso na ng kanilang bawas-presyo ang iba pang gasolinahan sa mga susunod na araw.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada