PatrolPH

Presyo ng petrolyo tataas sa Enero 31

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2023 01:32 PM | Updated as of Jan 30 2023 06:44 PM

(UPDATE) Sa ikatlong sunod na linggo, tataas na naman ang presyo ng petrolyo.

Ayon sa abiso ng mga kompanya ng langis, epektibo simula Martes, Enero 31, ang mga sumusunod na price adjustment:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.00/L
KEROSENE +P1.35/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.00/L
KEROSENE +P1.35/L

Jetti Petroleum, Petro Gazz, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.00/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P1.30/L
DIESEL +P1.00/L

Bunsod umano ito ng paglakas ng konsumo ng China dahil sa pagbubukas ng ekonomiya sa kabila ng mataas na kaso ng COVID-19.

Samantala, higit P9 naman ang itinaas ng contract price ng liquefied petroleum gas (LPG) sa world market. Katumbas ito ng higit P100 kada regular na tangke.

Pero maaari pang bumaba o tumaas ang presyo hanggang sa Martes.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.