PatrolPH

Presyo ng gasolina tataas, kerosene may bawas sa pagpasok ng Pebrero

ABS-CBN News

Posted at Jan 30 2021 04:40 PM

Presyo ng gasolina tataas, kerosene may bawas sa pagpasok ng Pebrero 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA - May dagdag sa presyo ng gasolina, habang may bawas naman sa presyo ng kerosene sa pagpasok ng Pebrero, ayon sa mga taga-industriya. 

Inaasahang galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo:

  •  Gasolina - P0.20- P0.30/litro (dagdag) 
  •  Kerosene - P0.20- P0.30/litro (bawas) 
  •  Diesel - walang paggalaw

May pagtaas ng presyo sa gasolina na maglalaro sa P0.20 hanggang P0.30 kada litro. Ang kerosene, may rollback naman na P0.20 hanggang P0.30 kada litro.

Wala namang galaw sa presyo ng diesel. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, taas-baba ang presyo ng produktong petrolyo sa world market dahil sa naghihilahang factors gaya ng paglobo ng coronavirus disease (COVID-19) cases sa China, at ang pagbawas ng imbentaryo ng langis sa Estados Unidos na nagpapataas naman ng presyo. 

Pero nagsisimula na ang bawas na 1 milyong bariles sa produksiyon ng Saudi Arabia na pinaniniwalaang magpapataas ng presyo sa mga susunod na linggo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.