PatrolPH

Petrolyo may ika-5 sunod na taas-presyo sa pagpasok ng Pebrero

ABS-CBN News

Posted at Jan 29 2022 08:13 PM

Watch more News on iWantTFC

Sa ika-5 sunod na linggo may ika-5 sunod na price hike sa produktong petrolyo. 

Galaw sa presyo ng petrolyo
Gasolina - P0.80-P0.90/L
Diesel - P0.60-P0.70/L
Kerosene - P0.40-P0.50/L

Ang gasolina, may P0.80 hanggang P0.90 taas-presyo. 

Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang taas-presyo sa diesel. 

Nasa P0.40 hanggang P0.50 naman ang taas-presyo sa kerosene. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, mabagal pa rin at hindi nahahabol ang pagtaas ng demand ng petrolyo kahit nag-anunsiyo na ng dagdag-produksyon ng OPEC-plus countries. 

Tumaas din ang presyo sa world market dahil sa posibleng giyera at sanctions sa Russia na isang malaking exporter ng langis sa buong mundo. 

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.