Dagdag-singil sa liquefied petroleum gas ang sasalubong sa mga konsyumer sa Pebrero.
Umaabot na sa P9 kada kilo ang itinaas sa contract price sa world market, na katumbas ng mahigit P100 kada 11 kilogram na tangke.
Pero ang final increase ay malalaman pa sa Enero 31.
Ang pagsipa ng demand sa China ang nakikitang pangunahing dahilan ng pagmahal ng LPG sa world market.
Matatandaang inaasahang magkakaroon din ng taas-singil sa presyo ng petrolyo pagdating ng Martes, na siyang ika-3 sunod na oil price hike.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.