PatrolPH

Mga di makabayad sa naipong water bills puwedeng mag-promissory note

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2021 05:33 PM | Updated as of Jan 28 2021 07:24 PM

Mga di makabayad sa naipong water bills puwedeng mag-promissory note 1
Mga water meter sa Makati City. ABS-CBN News/File

Naibalik na ang supply ng tubig nina Emily Mapula matapos maputulan dahil hindi nakabayad ng P48,000 na bill simula noong Marso 2020.

Nasa P10,000 muna ang binayaran ni Mapula habang hahatiin naman nang 6 na buwan ang natitirang P38,000.

Umapela ang Maynilad at Manila Water sa mga naisyuhan ng disconnection notice na pumirma ng promissory note para maiwasang maputulan ng tubig.

Kailangan lang umanong pumunta sa pinakamalapit na opisina ng Maynilad at Manila Water para makisuyo kung puwedeng huwag munang bayaran nang buo ang mga naipong bayarin.

Watch more on iWantTFC

Ayon sa mga kinatawan mula sa 2 water concessionaire, libo-libong kostumer na ang naputulan mula Oktubre 2020.

Sa Manila Water, puwede rin daw ang installment payment kahit naisyuhan na ng disconnection notice o naputulan na.

Nagpaalala ang mga water concessionaire na huwag mag-abot ng pera sa nagpuputol o nagri-reconnect dahil mga bayad center o bangko lang ang awtorisadong tumanggap ng bayad.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.