Presyo ng petrolyo tataas sa ika-4 sunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Jan 28 2019 01:04 PM | Updated as of Jan 28 2019 09:07 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

(UPDATED) Nag-abiso ang ilang kompanya ng langis na magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng kanilang mga produkto simula Martes, Enero 29.

Ito ang ikaapat na sunod na linggong magkakaroon ng taas-presyo sa petrolyo bunsod ng galaw ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Nasa P0.55 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel habang P0.20 naman sa kada litro ng gasolina, ayon sa Petro Gazz, Shell, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Unioil, Phoenix Petroleum, Caltex, Jetti Petroleum, Seaoil, at TOTAL.

Tataasan din ng Shell, Seaoil, at Caltex ng P0.40 ang kada litro ng kanilang kerosene.

Ipatutupad ng mga kompanya ang mga bagong presyo simula alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad simula alas-12:01 ng hatinggabi.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.