PatrolPH

Presyo ng petrolyo may rollback simula Enero 26

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2021 12:01 PM | Updated as of Jan 25 2021 03:40 PM

Presyo ng petrolyo may rollback simula Enero 26 1

MAYNILA (UPDATE) — Nag-anunsiyo ang mga oil firm na magkakaroon ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 26.

Ayon sa Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil, Total, Petron, at Caltex, P0.15 ang kanilang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.10 naman sa kada litro ng diesel.

Magkakaroon din ng P0.10 bawas-presyo sa kerosene ang Shell, Seaoil, Caltex at Petron.

Epektibo ang mga bagong presyo alas-6 ng umaga maliban sa Caltex na magpapatupad alas-12:01 ng hatinggabi at Cleanfuel na maga-adjust alas-8:01 ng umaga.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.