Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo nakatakda sa Enero 28

ABS-CBN News

Posted at Jan 25 2020 04:22 PM

MAYNILA — Isa na namang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan simula Martes, Enero 28, matapos ang naging tapyas-presyo nitong linggo.

Ayon sa mga taga-industriya, maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging bawas sa presyo ng diesel, gasolina, at gaas.

Estimated rollback sa presyo ng petrolyo sa Martes: 

  • Diesel → P0.30-P0.40/litro
  • Gasolina → P0.30-P0.40/litro
  • Kerosene → P0.30-P0.40/litro

Sa kabuuan, mula Enero 1, nasa P1.50 na ang nai-rollback sa diesel, P0.95 sa gasolina, at P1.65 sa kerosene.
    
Pero matapos ang rollback sa susunod na linggo, inaasahan ang pag-arangkada ng dagdag-singil dahil naman sa mas mataas na excise tax sa petrolyo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.