MRT muling nagpababa ng mga pasahero sa rush hour

ABS-CBN News

Posted at Jan 24 2018 08:14 AM

MANILA - Tinamaan ng panibagong aberya ang isang tren ng MRT-3, dahilan para pababain nang wala sa oras ang 230 pasahero sa gitna ng rush hour ngayong Miyerkoles. 

Nag-unload ng mga pasehero ang northbound na tren sa Magallanes station alas-6:01 ng umaga, ayon sa service status report ng MRT-3. 

Nangyari umano ang aberya dahil sa electrical failure sa makina, na dulot naman ng kalumaan ng mga piyesa. 

Ito na ang pang-apat na beses na nag-unload ng mga pasahero ang MRT mula nitong Lunes, batay sa website ng MRT. 

Nakasakay naman ang mga apektadong pasahero sa sumunod na tren makalipas ang 7 minuto, sabi ng status report. 

Sa kabuuan, 8 tren ang tumatakbo kaya kailangang maghintay ng mga pasahero nang 10 minuto bago makasakay, ayon sa MRT-3. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.