Itlog na binebenta sa isang palengke sa Maynila noong Enero 17, 2023. Mark Demayo, ABS-CBN News
Tumaas nang P0.50 ang presyo ng itlog sa ilang pamilihan sa Metro Manila ngayong Lunes.
Ito'y sa kabila ng stable na presyuhan sa farm gate, ayon sa Philippine Egg Board.
Ayon sa nagtitindang si Kaye Regpala, ito'y dahil nagtaas ng singil ang kanilang supplier ngayong Lunes.
"‘Yong iba limited talaga ang supply lalo sa Batangas," ani Regpala.
Dahil dito, naglalaro na sa P8.50 hanggang P10 ang presyo ng itlog sa Mega Q Mart sa Quezon City, depende sa laki.
May pagtaas rin na P1 sa kada piraso ng itlog maalat kaya pumapatak na sa P16 ang presyo nito.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.