PatrolPH

Malaking oil price hike ipapatupad simula Enero 24

ABS-CBN News

Posted at Jan 23 2023 12:33 PM | Updated as of Jan 23 2023 07:39 PM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA (UPDATE) — Magkakaroon ng malaking dagdag sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 24.

Base sa abiso ng mga kompanya ng langis, narito ang halaga ng ipapatupad nilang oil price hike:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P2.80/L
DIESEL +P2.25/L
KEROSENE +P2.40/L

Shell, Seaoil (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P2.80/L
DIESEL +P2.25/L
KEROSENE +P2.40/L

PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P2.80/L
DIESEL +P2.25/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P2.80/L
DIESEL +P2.25/L

Nagkaroon ng taas-presyo dahil sumipa ang konsumo ng langis ng China kaya sumirit din ang presyo nito sa world market.

Dahil kasisimula pa lang ng pagbubukas ng ekonomiya ng China, posibleng magtuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis sa world market kaya maaaring magkaroon ulit ng serye ng oil price hike sa Pilipinas.

Samantala, tataas din ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Pebrero.

Patuloy kasi ang pagtaas ng contract price ng LPG sa world market, na ngayong Lunes ay umabot na sa higit P7 kada kilo.

Sa Enero 31 pa malalaman kung magkano ang pinal na price adjustment na ipapasa sa mga konsumer.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.