Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MAYNILA - Kasunod ng 3 sunod-sunod na oil price hike, maaasahan ng mga motorista ang kapiranggot na rollback sa huling linggo ng Enero.
Inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina:
• Gasolina - P0.20- P0.25/litro
• Kerosene - P0.05-P0.10/litro
• Diesel - P0.05-P0.10/litro
Aabot sa P0.20 hanggang P0.25 ang itataas sa presyo sa kada litro ng gasolina. Samantala, ang diesel at kerosene, may P0.05 hanggang P0.10 bawas-presyo.
Mula noong Enero 1 hanggang 23 ngayong taon, aabot sa P2.30 ang iminahal ng gasolina. Samantala, ang diesel nagtaas-presyo ng P1.65 kada litro at ang kerosene, nagtaas ng P1.60 kada litro.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, rollback ,January, oil price hike, oil price rollback, rollback, busina, busina sa petrolyo