MAYNILA - May nakaambang price hike sa produktong petrolyo sa ika-4 sunod na linggo, ayon sa mga taga-industriya.
Paggalaw sa presyo ng petrolyo
- Diesel - P1.80 hanggang P1.90/L
- Kerosene - P1.60 hanggang P1.70/L
- Gasolina - P1.50 hanggang P1.60/L
Ang gasolina, may P1.50 hanggang P1.60 kada litrong taas-presyo.
Nasa P1.80 hanggang P1.90 naman ang taas-presyo sa diesel habang nasa P1.60 hanggang P1.70 ang taas-presyo sa kerosene.
Ayon sa mga taga-industriya, ito ay dulot ng kakulangan ng suplay ng langis sa gitna ng gulo sa Russia at Middle East.
May mga analyst din na nagsasabing maaaring pumalo sa $100 USD kada barrel ang presyo ng krudo sa mga susunod na buwan kaya posibleng magtuloy-tuloy pa ang oil price hikes.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.