Ilang produkto sa supermarket mas mura kaysa sa palengke: DTI | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Ilang produkto sa supermarket mas mura kaysa sa palengke: DTI

ABS-CBN News
Published Jan 17, 2019 08:54 PM PHT

Ipinapayo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa mga konsumer na subukan ding mamili sa mga supermarket dahil mas mura raw doon ang presyo ng ilang bilihin.

Nasa P50 ang presyo ng kada kilo ng bigas at asukal sa supermarket habang P90 hanggang P100 naman sa kada kilo ng manok, ani Trade Secretary Ramon Lopez.

Sa pag-iikot ng ABS-CBN News sa isang palengke sa Quezon City, nabatid na P140 hanggang P150 ang kada kilo ng manok, P39 ang pinakamurang bigas, at P55 hanggang P60 ang kada kilo ng puting asukal.

Ayon pa sa DTI, dapat magbaba ng presyo ang condensed milk, ilang karneng de-lata at iba pang produktong nagkaroon ng taas-presyo noong Disyembre.

ADVERTISEMENT
TAAS-PRESYO SA SARDINAS, INIHIRIT
Sa kabila ng panawagan ng DTI, humirit naman ang mga manufacturer ng sardinas ng taas-presyo sa kanilang mga produkto.

Kailangan daw ng taas-presyo sa sardinas dahil sa pagmahal ng isdang tamban.

Ayon kay Lopez, dapat makialam daw sa isyu ang Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

"Kailangan ma-involve uli ang BFAR dito, Fisheries, at saka DA para ma-solve 'yong problema noong 'yong mga input para sa mga de-lata, ng canned sardines," ani Lopez.

Inirekomenda rin ni Lopez na huwag itaas at ipako sa 5 porsiyento ang taripa ng mechanically-deboned meat na ginagamit sa mga karneng de-lata para hindi rin tumaas ang presyo nito.

WALANG EPEKTO ANG MAS MATAAS NA BUWIS
Sa ngayon, kampante si Lopez na walang gaanong epekto ang ikalawang bugso ng excise tax o mas mataas na buwis sa langis sa presyo ng mga bilihin.

"We don't see any impact kasi when the DOE (Department of Energy) reported, it showed that the net price of the oil 'no... is P10 lower sa gasoline, P8 lower sa diesel compared the peak last year," ani Lopez.

Ilang grupo ang nagpahayag ng pangamba sa mas mataas na buwis sa langis na maaari raw magdulot ng panibagong bugso ng taas-presyo ng mga bilihin.

--Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT