Jonathan Cellona, ABS-CBN News/File
MAYNILA - Nagbabadya ang taas-presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Enero 19, dahil sa pagmahal nito sa world market, tantiya ng ilang mga taga-industriya.
Magmamahal ng P0.95 hanggang P1.05 ang kada litro ng diesel, gasolina, at kerosene.
Inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina:
- Gasolina - P0.95-P1.05/litro
- Kerosene - P0.95-P1.05/litro
- Diesel - P0.95-P1.05/litro
Ilang linggo nang nagkaroon ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo dahil sa pagtaas ng demand, sa gitna ng patuloy na COVID-19 pandemic.
-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
RELATED VIDEO:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog News, petrolyo, oil price hike, gas, gasolina, oil price hike January 19