Presyo ng diesel may tapyas na P0.20/L

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 01:20 PM | Updated as of Jan 13 2020 02:57 PM

(UPDATE) Nag-anunsiyo ang mga kompanya ng langis ng P0.20 bawas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Ipatutupad ng Total, Petro Gazz, Shell, at Flying V ang galaw sa presyo ng diesel simula Martes, Enero 14.

Magpapatupad din ang Shell at Flying V ng P0.30 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene sa Martes.

Nauna nang nagpatupad noong Linggo ang Cleanfuel ng P0.20 bawas-presyo sa kada litro ng diesel, habang ngayong Lunes naman tinapyasan ng Seaoil ng P0.20 ang presyo ng diesel.

Nagpatupad din ang Seaoil ng P0.30 bawas-presyo sa kada litro ng kerosene.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.