Rollback sa presyo ng produktong petrolyo nakatakda sa Enero 14

ABS-CBN News

Posted at Jan 11 2020 05:37 PM


MAYNILA — Rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang inaasahan sa Martes, taliwas sa pinangambahang big time oil price hike dahil sa tensyon sa Middle East dulot ng gantihan ng Iran at Amerika.

Batay sa datos, sa unang 2 araw lang ng linggo tumaas ang presyo sa world market pero unti-unting bumaba hanggang Biyernes.

 Inaasahang rollback simula Martes:

  • Diesel → P0.30-P0.40/litro
  • Kerosene → P0.30-P0.40/litro
  • Gasoline → Walang galaw o P0.10/litro

Ang diesel at kerosene, nasa P0.30 hanggang P0.40 kada litro ang magiging tapyas-presyo habang posibleng mapako lang o matapyasan nang P0.10 ang singil sa gasolina. 

Paliwanag ng mga taga-industriya, nakatulong sa sitwasyon ang paghupa ng bakbakan ng 2 bansa nitong linggo.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.