PatrolPH

Diesel higit P1 ang taas-presyo sa Enero 11

ABS-CBN News

Posted at Jan 10 2022 11:53 AM | Updated as of Jan 10 2022 07:45 PM

(UPDATE) Magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Martes, Enero 11, ayon sa anunsiyo ng mga kompanya ng langis.

Ang mga sumusunod ang price adjustments na ipatutupad ng mga kompanya:

Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)
GASOLINA +P0.75/L
DIESEL +P1.10/L
KEROSENE +P0.90/L

Shell, Seaoil, Flying V, Petron (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.75/L
DIESEL +P1.10/L
KEROSENE +P0.90/L

PetroGazz, PTT Philippines (Alas-6 ng umaga)
GASOLINA +P0.75/L
DIESEL +P1.10/L

Cleanfuel (Alas-4:01 ng hapon)
GASOLINA +P0.75/L
DIESEL +P1.10/L

Wala namang pagtaas sa presyo ng kerosene sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.