PatrolPH

Taas-presyo sa petrolyo nagbabadya sa ika-2 linggo ng 2021

ABS-CBN News

Posted at Jan 09 2021 02:57 PM

Taas-presyo sa petrolyo nagbabadya sa ika-2 linggo ng 2021 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA - Muling tataas ang singil sa mga produktong petrolyo sa bansa sa ika-2 linggo ng 2021, ayon sa mga taga-industriya. 

Paliwanag nila, tumaas ang presyo ng imported na petrolyo sa World Market matapos pagdesisyunan ng Saudi Arabia na bawasan ang produksyon sa Pebrero at Marso. 

Inaasahang pagtaas sa presyo ng gasolina: 
• Gasolina - P0.85-P0.95/litro
• Kerosene - P0.20- P0.30/litro
• Diesel - P0.20- P0.30/litro

Maglalaro sa P0.85 hanggang P0.95 kada litro ang magiging dagdag-presyo ng gasolina. 

Samantala, nasa P0.20 hanggang P0.30 naman ang imamahal ng diesel at kerosene. 

Bumaba rin ang imbentaryo ng crude oil ng Amerika noong nakaraang linggo kaya nagkaroon ng sunod-sunod na dagdag-presyo.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

RELATED VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.