PatrolPH

Meralco nagpapadala ng disconnection notice; taas-singil asahan din

ABS-CBN News

Posted at Jan 08 2021 04:25 PM | Updated as of Jan 08 2021 08:15 PM

Meralco nagpapadala ng disconnection notice; taas-singil asahan din 1
ABS-CBN News/File

MAYNILA – Nagsimula na ang Meralco na magpadala ng disconnection notice para sa mga konsumer nilang nahinto ang pagbabayad sa kanilang bill sa kuryente noong 2020 bunsod ng pandemya. 

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, naabisuhan na ang mga konsumer na may konsumong hanggang 200 kWh na may hanggang katapusan sila ng Enero para magbayad ng natenggang bills. 

Sabi ni Zaldarriaga, maaaring mag-avail ng installment plan pero dadaan pa ito sa assessment ng isang manager. 

Watch more on iWantTFC

Giit niya, 10 buwan na ang naibigay nilang pag-atras sa pagsingil at tingin nila ay sapat na ang panahong ito. 

Sa patakaran ng Meralco, ang kostumer ay may 5 working days mula sa pagtanggap ng disconnection notice para magbayad kundi ay mapuputulan na siya.

Samantala, sinabi rin ni Zaldarriaga na magkakaroon sila ng dagdag-singil na P0.27/kWh sa buwan ng Enero dahil daw sa pagmahal ng generation charge.


–Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.