Presyo ng gasolina bababa, diesel tataas simula Enero 7

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2020 05:43 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang mga kompanya ng langis na tatapyasan ang presyo ng gasolina habang tataasan naman ang presyo ng diesel simula Martes, Enero 7.

Ayon sa Petro Gazz at Shell, P0.10 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina habang P0.40 naman ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Tataasan din ng Shell ng P0.30 ang presyo ng kada litro ng kerosene.

Hindi pa apektado ng excise tax o dagdag-buwis sa langis ang mga nabanggit na price adjustment. -- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.