Buena manong oil price hike ng 2019 nakaamba sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at Jan 05 2019 05:56 PM

Matapos ang serye ng rollback noong isang taon, oil price hike naman ang sasalubong sa mga motorista sa ikalawang linggo ng 2019.

Pero nilinaw ng mga kompanya ng langis na hindi ito dahil sa ikalawang bugso ng excise tax kundi dahil sa pagmahal ng imported na produktong petrolyo.

TINATAYANG TAAS-PRESYO SA PETROLYO:

  • Gasolina → P0.80-P0.90/litro
  • Diesel → P0.60-P0.70/litro
  • Kerosene → P0.40-P0.50/litro

Maglalaro sa P0.80 hanggang P0.90 kada litro ang imamahal ng gasolina.

Nasa P0.60 hanggang P0.70 naman ang itataas ng presyo ng diesel.

At ang taas-presyo ng kerosene ay maglalaro sa P0.40 hanggang P0.50 kada litro.

Nauna nang sinabi ng Department of Energy (DOE) na puwede lamang mag-adjust ng presyo dahil sa mas mataas na excise tax kung maubos na ang lumang stock ng isang oil company.

Nasa 15 araw hanggang isang buwan dapat ang imbentaryo ng mga malalaki at independent oil players.


—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.