Grupo nagbabalang posibleng tumaas ang presyo ng bigas | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Grupo nagbabalang posibleng tumaas ang presyo ng bigas

Grupo nagbabalang posibleng tumaas ang presyo ng bigas

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 04, 2024 08:31 PM PHT

Clipboard

Watch more News on iWantTFC

Nagbabala ngayong Huwebes ang isang agricultural group na posibleng tumaas ang presyo ng bigas sa mga pamilihan dahil sa mataas na presyuhan nito sa international market.

Ayon sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag), maaaring tumaas pa nang P2 kada kilo ang bentahan ng bigas.

"[Iyong] international price, tumaas sa Thailand, Vietnam, more or less nandoon din presyo. 'Yong mga trader at miller bine-base doon ang pagbili ng palay kaya tumaas ang presyo," ani Sinag President Rosendo So.

Panibagong taas-presyo sa bigas ang sumalubong sa bagong taon sa rice retailer na si Ramon Sanor.

ADVERTISEMENT

Nasa P20 hanggang P50 kada sako ang itinaas ng binibili niyang bigas mula sa kaniyang supplier kaya Enero 2 pa lang ay nagtaas na rin siya ng presyo.

Sa Mega Q Mart sa Quezon City, nasa P54 kada kilo ang pinakamababang presyo ng bigas.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), lean month ngayon at wala nang inaaning palay.

"'Yong bentahan ng palay is between traders to traders na, wala na nagbebenta farmers kasi tapos na harvest ng wet season," ani Agriculture Spokesperson Arnel de Mesa.

"Natural na kapag wala nang harvest, mahal na farmgate. Pagdating muli ng harvest ng dry season, dahil marami na ulit palay, bababa ang presyo," ani De Mesa.

Unti-unti naman nang dumadating ang mga imported na bigas, pero hindi pa tiyak kung mapapababa nito ang presyo sa mga pamilihan.

"May parating na bigas na imported pero ang problema mataas pa rin ang presyo sa international market, so we cannot expect na talagang bababa ng mababang mababa 'yong presyo," ani De Mesa.

Iginiit ng DA na mahigpit nilang binabantayan ang presyo ng bigas ngayon.

Kung sobra ang magiging pagtaas ng presyo, makikipag-dayalogo umano ang kagawaran sa mga stakeholder para tingnan kung kailangan nang magtakda ng suggested retail price (SRP).

Samantala, nagbabadya ring tumaas ngayon 2024 ang presyo ng higit 60 grocery items na nasa ilalim ng SRP bulletin.

Kasama dito ang mga sardinas, kape, gatas, instant noodles, asin at ibang de-lata.

Nasa P0.50 hanggang P7 ang hinihinging dagdag ng mga manufacturer, depende sa produkto at laki.

"On the side of DTI (Department of Trade and Industry), hindi sabay-sabay ia-approve... hindi rin automatically ma-a-approve kasi marami pang pinag-uusapan," ani Trade Assistant Secretary Amanda Nograles.

Ayon naman sa DTI, mas mababa sa 10 porsiyento ang posibleng itaas ng presyo ng grocery items ngayong 2024, mas mababa kompara sa pagtaas noong mga nakaraang taon.

— Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.