MAYNILA — May dagdag at bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Tinatayang galaw sa presyo ng petrolyo sa Martes:
- Diesel → P0.30-P0.40/litro (dagdag)
- Kerosene → P0.30-p0.40/litro (dagdag)
- Gasolina → walang galaw o P0.10/litro (bawas)
May dagdag-presyo sa diesel at kerosene na maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro.
Ang gasolina naman, posibleng mapako lang ang presyo o magkaroon ng maliit na rollback na P0.10 kada litro.
Sa ngayon, ayon sa Department of Energy, wala pang oil company ang nag-abiso na nagpatupad na sila ng dagdag-presyo dahil sa panibagong bugso ng fuel excise tax sa 2020.
Obligado ang mga gasolinahan na magpaskil ng karatula kung ipapatong na nila ang mas mataas na excise tax sa diesel, gasolina, gaas, at liquefied petroleum gas.
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, TV Patrol, Busina, oil price hike, rollback, langis, petrolyo, gasolina, diesel, kerosene, gaas, pasada, liquefied petroleum gas, LPG