MAYNILA — Big time oil price hike ang sasalubong sa mga motorista sa unang linggo ng 2022.
Maglalaro sa P1.90 hanggang P2 ang imamahal ng gasolina, P2.20 hanggang P2.30 sa kada litro ng diesel, at P1.80 hanggang P1.90 naman sa kerosene.
- Gasolina → P1.90-P2.00
- Diesel → P2.20-P2.30
- Kerosene → P1.80-P1.90
Paliwanag ng mga taga-industriya, tumaas ang demand sa petrolyo noong nakaraang linggo sa kabila ng pagkalat ng omicron variant.
Humina rin ang palitan ng piso kontra dolyar kaya ang ending, big time increase sa petrolyo.
Pero ang good news, may rollback naman sa presyo ng LPG simula ngayong araw.
Nasa P2.55 sa kada kilo ng isang tangke ang bawas-presyo ng Solane,
Petron Gasul at Phoenix Super LPG.
— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.