PatrolPH

LPG companies nag-abiso ng dagdag-presyo sa unang araw ng 2021

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2021 05:38 PM

MAYNILA - Nag-abiso ang ilang LPG companies na aarangkada na ang dagdag-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) at auto-LPG ngayong unang araw ng 2021.

Tumaas ng P4.16 ang kada kilo ng LPG ng Petron, o katumbas ng P40 sa kada regular na tangke.

Samantala, nasa P2.33 ang dagdag sa kada litro ng auto-LPG.

May P4.15 kada kilong dagdag naman ang Phoenix Super LPG at P2.35 sa kada litro ng Auto LPG.

Nagtaas naman ng P3.73 kada kilo ang Solane bandang alas-6 ng umaga ng Biyernes.

Bunsod pa rin ito ng pagtaas ng international contract price ng LPG.

— Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.