Taas-presyo sa LPG higit P7 kada kilo

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2020 02:55 PM | Updated as of Jan 01 2020 06:44 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Nagpatupad ngayong Miyerkoles ang mga kompanya ng liquefied petroleum gas (LPG) ng taas-presyo na aabot sa hanggang higit P7 kada kilo.

Ayon sa Phoenix LPG Philippines at Petron, tinaasan nila ng P7.55 ang presyo ng kada kilo ng kanilang LPG at P4.25 naman sa kada litro ng autoLPG.

Ang karaniwang timbang ng regular ng LPG ay 11 kilo. Kung susumahin, aabot ng higit P80 ang imamahal ng bawat tangke. 

Nasa P6.74 naman ang taas-presyo ng Solane sa kada kilo ng kanilang LPG.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.