Presyo ng petrolyo, may dagdag simula Enero 2

ABS-CBN News

Posted at Jan 01 2018 04:37 PM

Magkakaroon ng dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo simula Martes, Enero 2.

Nag-anunsiyo ang ilang kompanya ng langis nitong Lunes na tataas ng P0.20 ang presyo kada litro ng gasolina, P0.65 kada litro ng diesel, at 0.75 kada litro ng kerosene.

OIL PRICE HIKE

  • Shell, SEAOIL (Martes, 6 a.m.)
  • GASOLINE +0.20/L
  • KEROSENE +0.75/L
  • DIESEL +0.65/L
  • PTT Philippines (Martes, 6 a.m.)
  • GASOLINE +0.20/L
  • DIESEL +0.65/L

Noong Linggo, nag-abiso ang Department of Energy (DOE) sa mga kumpanya ng langis na huwag munang patawan ng excise tax ang presyo ng petrolyo sa pagsapit ng bagong taon.

Sisipa kasi ng higit P2 kada litro ang presyo ng produktong petrolyo dala ng excise tax sa ilalim ng reporma sa sistema ng buwis. -- May ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.