OPINYON: Ang dapat mabatid: Ayala at tubig

Buddy Gomez — Cyberbuddy

Posted at Dec 12 2019 09:50 PM

Ang “Manila Water,” sa ilalim ng pangangasiwa ng Ayala, ay ang nagbebenta, naglalako, naghahatid ng tubig sa bawa’t bahay. Ang ‘supply’ ng tubig naman ay mula sa gobiyerno. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay ang may tungkulin bilang ‘wholesale supplier’ ng tubig at ang “Manila Water” naman ang ‘retailer.’ Kung kapos ang supply, limitado at inirarasyon ang kapos na tubig. Kung may krisis sa tubig, sino nga ba ang may sala? (Kasama rin sa usaping ito ang “Maynilad” ni Manny Pangilinan, isa pa ring ‘water distributor.’)

Let me commence with a disclosure. I do not speak for Ayala nor for any of its group of companies.

However, having spent a good quarter century of my younger life (1958-1984) as a useful, loyal and productive employee of this venerable house of Philippine commerce, I have earned the right to speak about my former employer. And as well, defend her honor with the truth and stake my person and my individuality for this recitation which I proudly share publicly. Ang kalakhang “ako” ay nabuo sa pamamagitan ng mga mabisang karanasan ko mula sa Ayala!

Napaka daling lapastanganin at siraang-puri ang ngalan ng may ngalan. Lalo na kung ang mga naninira ay mangmang o di kaya’y may maitim na hangarin. 

Tunay nga na libre ang tubig! Biyaya ng kalikasan, wika nga! Totoo po iyan, kung ikaw ay maghuhukay ng sariling balon, iigib ng timba-timba sa ilog, at sasahod ng ulan! Talagang libre!
Bago matapos ang nakaraang siglo, noong taong 1997, sumuko na ang administrasyon ni Pangulong Fidel V.Ramos sa papapatakbo ng tubigan sa kalakhang Maynila. Hindi makayang patakbuhin ng marapat at matino, lubog pa sa utang ang pamahalaan. Lumalala. Kung kaya hiniling ng pamahalaan na ang negosyong pribado na ang magpatakbo. Umatras ang gobiyerno sa pagtugon ng tungkulin na magdulot ng sapat na tubig sa publiko. Ang unang kontrata ay magtatapos sana sa taong 2022, ngunit ito ay na-pahaba pa ng karagdagang labing-limang taon. Si Pres. Gloria Macapagal (GMA) naman nag-bigay ng pahintulot.

Hindi kaila sa lahat na hirap na hirap sa tubig ang kaMaynilaan noon. Kung kaya hinikayat ang mga pribadong negosyante na tumaya at makatulong sa pagbigay ng lunas sa lumalalang problema. Natural lamang sa mga tumataya sa negosyo ang umasang lumago at kumita ‘yong kanilang itinaya. Hindi po ba?
Nagkaroon ng “open bidding” sa mga lumahok sa paanyaya ng gobiyerno. Ang tinanggap naman ng pamahalaan ay iyong inakala nila na higit na makakapalingkod sa taombayan, ayon sa mga kundisyones na isinulat ng administrasyon mismo.

Pasok si Ayala. Nagtatag ng “Manila Water” at ito ay pinondohan sa pamamagitan ng utang sa banko at ‘investment’ na bukas sa sino man bilang stockholders. Pumirma ang “Manila Water” sa kasunduang mayroong kundisyones na ipinataw ng gobiyerno mismo.

Ano ba ang itinaya ng Ayala? Mula noong sila ang nangasiwa, ang gastos upang mapa-unlad ang serbisyo sa tubig: Ph 166 Bilyon; 5,500 kilometro ng tubo ang naibaon . Tiyak na inyong napansin ang kupad ng daloy ng traffic noon habang hinuhukay ang kalye bago ibaon ang mga tubo. Gastos po iyon. Private investment ang gumanap sa tungkulin sana ng gobiyerno. Ulitin natin, umaabot ng 5,500 kilometro ang haba ng tubong naibaon na, (ito po ay mahigit sa pitong beses na haba ng Luzon!); 32 reservoirs ang naitatag; 2 planta ng “filtration”; 113 pumping stations; 5 sewerage facilities. At may karadagan pang Ph500 bilyon na nakatakda sa mga hinaharap na pag-unlad! Libre po ba iyan?

Ang “water distribution” ay isang negosyo. Walang negosyanteng tumataya ng kapital na hindi umaasa na ito’y kumita at lumago! At marami din namang negosyong nalulugi! Noong ang gobiyerno mismo ang nagpapatakbo, lubos na palpak ang serbisyo, bilyon bilyon pa ang pagka-lugi! Sa balikat po iyan ni Juan de la Cruz?
Kung sa larangan ng negosyong ikauunlad ng bansa ang pag-uusapan, marahil ay wala nang makakapantay sa kasaysayan ng Ayala. Sila po ay ang ka-unaunahang nagtatag ng negosyong ari ng Filipino. Ang kanununu-an ng mga Ayala ay si Don Domingo Roxas. Itinatag niya ang negosyo noon pang 1834. Si Don Domingo ay isinilang noong taong 1782 sa Tagiig (Taguig), lalawigan ng Morong. Siya ay sumakabilang buhay habang siya ay nasa piitan ng Fort Santiago noong 1843. Inaresto at ikinulong dahil sa hinala ng makapanyarihang Kastila na siya ay sangkot at lihim na taga-suporta ng kilos panghimagsikan sa Tayabas na pinamunuan ni Hermano Pule (Apolinario de la Cruz.) Kung pagka-makabayan din lang naman ang pa-uusapan, mahaba pa ang aking listahan!

Napakaraming negosyong naidulot sa kaunlaran ng bansa sa larangan ng transportasyon, agrikultura, destileria, banko, insurance, pabahay, atbp. bago pa man ang dimaang WW II. May reputasyon ang Ayala na hindi dudungisan ng kanilang angkan at mga empleyado. Natural na lamang na itaguyod ang kanilang dangal, sa salita at sa gawa.

Ang pumasok sa negosyong “public utilities” tulad ng elektrisidad, telefono at tubig ay isang napakaselang tungkulin. Una sa lahat, sapagka’t publiko ang pinaglilikuran, napakadaling panghimasukan ng mga pulitiko. Sabi nga sa English, owning and operating public utilities carries with it being attacked by populist tantrums of elected power wielders.

During my time in Ayala, it was common knowledge—an unwritten philosophy—that no entity ought ever to engage, much less invest, in a public utility in the Philippines unless one such were endowed with political linkage and clout. Ayala had none. Ayala also shied away from partisan politics, bagama’t sila ay laging matulungin sa mga kahilingan ng bawa’t maykapangyarihang administrasyon. Noon ‘yon!

Ano ba ang sanhi ng nagbabagang usapin? Ang MWSS ay siyang may-kontrol sa singil ng tubig bagama’t may kasunduan naman na nagbibigay ng karapatan sa “Manila Water” at “Maynilad” na mag-adjust ng tarifa, o ng singil upang maka-bawi kung mayroong namimintong kalugihan. Humiling ng karagdagan singil ang mga ‘water distributors.’ Hindi pumayag ang MWSS kung kaya tumakbo ang ‘water distributors’ at humingi ng tulong sa “Permanent Court of Arbitration” (PCA) na base sa Singapore. Pang-daigdigang Husgado po iyan.

Bagama’t ang kaso ay naisampa sa Singapore noong rehimen pa ni Pres. Noynoy Aquino, ang lahat ng pagtutugis ay nangyari sa kapanahunan na ng pamahalaang Duterte. Kung natalo ang MWSS sa harap ng PCA, hindi maaring sisihin ni Duterte sila Ramos, Arroyo at Aquino. Mukhang ang mga abogado ng administrasyong Duterte ang kinapos at nagkulang!

Nanalo ang ‘water distributors.’ Ang pasiya ng PCA sa Singapore ay pagbayarin ang MWSS sa “Manila Water” ng halagang Ph7.4 bilyong piso. (Sa “Maynilad”naman ay Ph3.4 bilyon.) Ito ay dahil na nga sa pag-tanggi ng MWSS sa kahilingan ng ‘water distributors' na maiwasan ang posibleng pagka-lugi. Ang hiling ng mga ‘water distributors’ ay nakasalalay sa linagdaang kasunduan na hindi sinunod ng MWSS. 

Tila napikon ang Malacañang at dito nag-umpisa ang berbalang sigalot. Kung ano anong pambubulabog ang nag mula sa Malacañang. Kasama na rin ang mga masasakit na pangungusap kasabay ng pananakot. 

Sa halip na makipag-eskrima ang Ayala, sila ay pangsariling pumayag na ipa-ubaya nalang ang kapasiyahan ng PCA at nagpahiwatig ang Manila Water na sila ay mag-usap at isa-ayos ang gusot.

Hindi na kontento ang Malacañang. Ang nabanggit na kasunduan hinggil sa ‘extension’, noong panahon ni GMA, ay biglang pinutol na walang pasubali. Tila ba basta na lamang linapastangan ang kontrata. MWSS unilaterally cancelled a legal contract that was entered into by both parties with the acquiescence of a President.

Sa ngayon, hindi pa malaman kung ano ang kahihinatnan ng gusot na ito. What I foresee, however, is that kung walang ‘palabra de honor’ ang ating pamahalaan, at pagkarakang babawiin at dudungisan ang kabanalan ng mga contratang pinasukan nito, sa itinagal-tagal ang pamahalaan at ang taong bayan din ang ma-apektohan.

This unilateral cancellation, including the threats of physical harm, will not sit well with the world of finance and the potential sources of badly needed foreign investments. Who would want to deal with an untrustworthy country that refuses to recognize the sanctity of contracts?

Sino pa sa mundo ang mag-nanais tumaya ng kapital sa ating bansa kung ang pamahalaan mismo ang nag-takwil sa kabanalan ng kontrata. Ang bansang walang “palabra de honor” ay tiyak na mahihirapang mag-kamit ng sapat na kaunlaran!

----------

ABOUT THE AUTHOR:

Tomas 'Buddy' Gomez III began his professional media career in ABS-CBN's (previously Chronicle Broadcasting Network) DZQL-Radio Reloj in 1957, after which he spent 25 years with the Ayala Group.

In 1986, the then Pres. Cory Aquino appointed him Consul General to Hawaii and later served as her Press Secretary.

During the Ramos administration, he was chairman and president of state-owned IBC-13 Network.

After government service, he became an ‘OFW’ in the U.S., working as front-desk clerk and then assistant general manager of a hotel. He also worked as a furniture and antique restoration specialist.

He is now retired and lives in San Antonio, Texas.

Disclaimer: The views in this blog are those of the blogger and do not necessarily reflect the views of ABS-CBN Corp.