How netizens said goodbye to McDonald’s Philcoa 2
“Malungkot pero kailangan nang magpahinga,” says the owner of this photo Pauline Taqueban, who was a student employee at McDo Philcoa five years ago and rose to become Guest Experience Leader.
Food & Drink

French fries and heartaches: How netizens said goodbye to McDonald’s Philcoa

There was cake when this Diliman outlet of the fast food chain closed its doors recently. Cake and a lot of waxing nostalgic
ANCX Staff | Aug 07 2021

Getting nostalgic about a fast food store might sound a little weird to some, but clearly not for the loyal visitors of the McDonald’s in Philcoa, Quezon City. The branch closed its doors forever last August 5, the day before the start of the new lockdown. When the Facebook page Barangay Old Capitol Site reposted photos from the fast food crew’s closing salu-salo, not a few netizens expressed their sadness. 

The one who owns the pictures in this story started it all: Pauline Taqueban, who was a student employee at the branch five years ago and rose to become Guest Experience Leader. “Sobrang thankful ako. Ang laki ng part ng McDo sa buhay ko,” she wrote on her Facebook post. “Malungkot pero kailangan nang magpahinga.”

McDonald's Philcoa
McDo Philcoa closed its doors forever last August 5, the day before the start of the new lockdown. Photo by Pauline Taqueban

Pauline learned a lot at the Diliman outlet: how to persevere, how to work with different kinds of people. The job can be tiring “pero masaya kasi matatag po yung samahan naming mga crew,” she told ANCX. “Yung tipong kada shift happy lang kahit na madaming tao. Sobrang dami pong memories sa loob ng limang taon na nag work ako sa McDonald's Philcoa. Walang makakapantay sa samahan ng mga crew, managers, riders and regular customers.” 

It’s not surprising that many have waxed nostalgic over the news the branch is gone. With its close proximity to UP Diliman, it has figured in many a student’s everyday life. It was a hangout, a place where they would meet up before an immersion trip, a place where they cried over a heartbreak or over a decision on which to accomplish first: review for the finals or finish the thesis? 

One of those students who lamented the McDo closure online is LA Manansala, a Caviteña taking her MA in Araling Pilipino at the Diliman campus. “Ilan 'to sa mga tinuturing kong safezones outside Kawit or place of familiarity (safe babaan/safe sabihin sa konduktor as point of drop off/ safe as meeting place kasi sobrang convenient to all parties involved),” she recalled on a Facebook post. “Not to mention na popular meeting place din talaga ito as per my experience. You can't spell Philcoa without Mcdo— GUYS, you can't spell UP without MCDO Philcoa!” 

She’s kidding about that last one, of course. But it does hint at the attachment UP Diliman students have for this 24/7 refuge. 

For LA, there’s something about this branch that trumps all the other new generation McDonald’s outlets. “This branch is way out of those recently renovated Instagrammable cafe-inspired branches,” she said. “Pag napaupo ka dito lalo na sa 2nd floor parang makikita mo pa yung aparisyon ng mga nag dine-in nung  1980s.” But of course the branch actually just started to exist in 1997. It opened New Year’s Day. 

But what’s the point of ruining her impression that the store is much, much older? Especially when she says, “Iisa na lang ito sa mga branches na bibigyan ka ng same ambiance na naaalala ng grade 2 student you na legit na napapasaya ng Happy Meal. This is the Mcdo of the Karen-the-apo generation.” To those who don’t know, LA is referring to this TVC which likely came out a year or two after the Philcoa outlet opened. 

But our favorite recollection was penned by Ryan Villamael who was a student at the UP College of Fine Arts some years back. Piece of trivia: he almost ended up working as part of the fast food crew had fate not intervened. Of course, Ryan is an accomplished artist now, known for his stunning works with cut paper—which he has shown in important art venues here and abroad. Back during his student days, however, life was a little different.

Below is Ryan’s little tribute to a landmark of his youth, now a bygone repository of many memories.

"Biyernes noon. Inabot na kami ng alanganing oras ng aking matalik na kaibigan pauwi sa aming kanya-kanyang tinutuluyang boarding house sa U.P. Inihatid niya pa kasi ang kanyang kasintahan pauwi ng Pasig at tumambay pa ng sandali sa kanilang bahay. Dahil para kaming kambal tuko ay nagpasama siya sa akin, at pumayag naman ako sa pangakong manlilibre siya ng hapunan. 

Siyempre walang sino mang taong tatanggi sa libreng pagkain lalo na’t kumakalam ang sikmura. 

Ilang sticks ng yosi at kaunti pang huntahan ay nag-aya na akong umuwi dahil lumalalim na ang gabi at may pag-iimbita na ng buhos ng ulan ang hangin. 

Lumambitin kami sa mga jeep sa buhol-buhol na traffic sa may Cogeo. Halos nakipagpatintero sa mga rumaragasang sasakyan sa kalsada, sa pag-para ng non-aircon bus sa EDSA na byaheng SM Fairview. Pudpod na nga’t tumatalun-talon na ang nag-iisang CD ng “Alternative Rock” na naka repeat play sa aking discman. Manhid na ang aming mga paa sa ilang oras ng pagtayo sa loob ng siksikang bus pero swerte pa rin na nakaupo kami kahit malapit na kaming pumara, upang kahit papaano’y saglit na ipahinga ang nangangalos naming mga katawan. 

Closed McDonald's Philcoa store
The now empty Mcdo Philcoa branch. Photo by Pauline Taqueban

Dahil mga estudyante ay pareho kaming may curfew sa aming mga tinutuluyang boarding house. Sapagkat mas maaaring lakarin ang tinutuluyan ko’y nagkasundo kaming magkaibigan na sa amin na muna dumiretso. At nakaligtaan na nga ang ipinangakong libreng hapunan. 

Naka-kandado ang gate pagdating namin sa tapat ng aking boarding house. Kung susubukan naman naming akyatin ay mabubulabog ang buong bahay sa pagtahol ng mga aso sa bakuran—bagay na ayaw na ayaw ng aking landlady na tingin ko’y may sa mangkukulam. Masama kasi siyang magalit. Para kang binubulungan ng orasyon o kung ano mang sumpa, lalong-lalo na’t kapag siya’y naalimpungatan. 

Dala na rin siguro ng pagod at pagkabalisa kung saan kami magpapalipas ng magdamag kaya naglakad na lang kaming pabalik. Nagsisimula na ring lumuha ang langit. Bagama’t may dampi ng manipis na hangin ay maalimuom ang paligid dahil sa init ng maghapon. Tila nga naglalaro ng bowling ang mga diyos sa panay-panay na alingawngaw ng mga nakakabinging kulog at matatalim na kilat.

Bitbit ang mabibigat at malalaki naming mga backpack, para kaming mga pagong na nakikipaghabulan sa nagbabadyang ulan sa kahabaan ng kalye ng Maginhawa. Kahit anong subok naming lakihan ang aming mga hakbang ay hinding-hindi kami mananalo sa pakikipagkarerahan. 

Umabot kami sa Philcoa sa may bandang Commonwealth Avenue bago tuluyang magngalit ang kalangitan. 

Tumuloy kami sa munting tahanan ni Ronald McDonald, na alam na alam naman naming bukas sa lahat ng anak ng dilim na hindi dinadalaw ng antok. Tambayan rin ito ng mga gustong maglamay sa pagre-review para sa kanilang mga exams at kung ano pa mang mga dahilang pinagpupuyatan. Nilapag namin ang aming buhat-buhat na backpack sa isang tagong sulok at binuklat ang mga natitirang pera sa pitaka. 

Pinagsaluhan namin magdamag ang order naming regular fries sa ilalim ng kanlungan ng hatinggabi. Bilang na bilang ang bawat kagat sa piraso ng kamote dahil kinakailangan nitong umabot sa muling pag-gising ng araw. Hating kapatid at walang lamangan. Salitan din kami sa pagtulog. Laging may isa sa aming pilit na didilat-dilat at tagapagmatyag dahil ano mang oras ay baka makahalata na ang mga crew na ginawa na naming hotel ang fast food. 

Sa yakap ng malambot na bisig ni Grimace at sa hele ng malamyos na boses ni Birdie the Early Bird kami’y saglit na namahay, minsan isang hatinggabi sa McDo Philcoa."