It’s been a decade since the name Mideo Cruz created quite a stir in the local art scene and made headlines in national news. It was in 2011 when his contribution to the CCP exhibition honoring 150 years of Jose Rizal caused a storm of criticism from ultra-conservative Catholic Filipinos. Called “Poleteismo,” the work put together religious symbols with pop culture iconography and sexual elements. Among its “offensive” features is “a crucifix decorated with a piece of wood in the shape of a phallic symbol,” as reported by the Wall Street Journal (yes, it attracted international media attention, too.) “Another depicts Christ as a figurine with Mickey Mouse ears.”
The work led to a lot of angry emails to the CCP, invited death threats (directed to Cruz), even an attempt to set fire to the installation. And then there were the criminal complaints against the artist and the CCP Board of Trustees, citing the violation of the Revised Penal Code outlawing “Immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows.” These complaints, however, were dismissed in 2003 by the Office of the Ombudsman.
An activist and known provocateur, Cruz said then that the work was an accumulation of all the relics he’s collected since high school—put together in a way that reflects the aesthetics of a Filipino home, especially the way our elders choose images and statues that would adorn the walls and altars of our domestic spaces, signifying the things we worship, what we hold dear, and how we want to be perceived by the outside world. “The uproar it created may be the unconscious denial of seeing ourselves truthfully in the mirror,” Cruz told WSJ then.
Ten years after, Cruz continues to make art but he’s moved back to his hometown in Gapan, Nueva Ecija sometime in 2013, and opened a Bangan Project Space—using the rice silo in his family’s compound, which is next to rice fields—as a center for community art and for hosting artist residencies. He is married to artist Racquel de Loyola who, like Cruz, is a cross-disciplinary artist. The two share a daughter named Kayumanggi.
Cruz is part of the ongoing group show at “Transmitting: Thoughts and Prayers” which opened December 18 at Modeka Art. The exhibit features works of more than 30 artists reflecting on 500 years of Christianity in the Philippines, and its just but natural that Cruz is among the artists whose contributions are among those gallery audiences really need to watch out for.
His figurines, reworked to "translate his realizations" are scattered around the gallery, as reminders of our doubts that come and go. There is also a Sto. Nino Circus at the end of the improvised stations (mimicking the Stations of the Cross, but only in concept), where his reworked Sto. Niños are flanked by interpretations of the icon by Dex Fernandez and Cebu artist- and sto. Niño devotee GI Pongase. Devi de Veyra sat down with Cruz before the holidays to talk about growing up a good Catholic boy steeped in tradition and his journey to ‘kamulatan.’
Na-enjoy ko naman din talaga yung “faith,” parang conscience reliever siya sa mga guilts.
Sagrado Katoliko ako dati. I always had a bible in my bag, hanggang high school yon. Binabasa ko siya. Tsaka I always prayed every night.
Dahil din yun siguro sa upbringing ko, kasi I come from a religious family. Yung apat na kapatid ng lolo ko, puro matatatandang dalaga – mga manang dito sa Gapan, Nueva Ecija during the 1930s. Yung inabutan ko na tatlong kapatid ng lolo ko, lagi kong kakwentuhan every afternoon, kasi matanong ako about the history of our village.
Yung pinakamatanda sa kanila laging nagpapasama sa akin pag Holy Week para mag attend ng mga ceremonies sa simbahan. Strikto sila pati sa pananamit. Pag maiksi shorts ng mga pinsan ko pinapagalitan nila. Katabing bahay lang namin yung ancestral house kung saan sila nakatira.
Hindi ko naman na-feel na nasasakal ako, siguro kasi yun yung norms na kinalakihan ko. Feudal din talaga dahil pag lalaki ka mas iba yung treatment sa iyo.
Nung elementary ako, I became an active participant of a Catholic Charismatic group. Nag ro-rosaryo din ako everyday, sumasama ako duon sa pagdarasal sa imahe ng Birhen na linilipat-lipat ng bahay. Napupuri ako ng community dahil sa diligence ko at style of prayer with my hands on my chest. Pero hindi ko rin masasabi na in-embrace ko ang religion blindly. Kasi na-enjoy ko naman din talaga yung “faith,” parang conscience reliever siya sa mga guilts. Lalo na ang pagdarasal, therapeutic din yung parang kinakausap mo yung mga icons to let your emotions out.
Nandun siguro yung satisfaction na you can get away with your guilt from minor sins from praying—na cognizable sa religion. Religiously every Sunday I have to be in the church, and I wonder sino nga ba nakakaintindi sa sinasabi ng pari and how do we digest it? Actually yung action lang siguro that we went to the church to feel better and relieve us from our conscience. Parang another paradigm siguro ng conscience capitalism na sinasabi ni Slavoj Žižek.
Pagdating ng college, nagtuloy-tuloy akong mamulat, at magkaroon ng doubt.
Ang parameters naman lagi to be a “mabait na bata” eh, sumunod ka sa institution o anumang sinasabi ng matatanda sa iyo despite na kung anong katwiran meron ka, until you realize na ang pagsunod blindly sa sinasabi ng authorities ay paraan ng pag-subjugate. Nung college isa sa binabasa namin ay si JCR (Jun Cruz Reyes), na naging kabarkada din namin later. Ayon sa isang essay niya, pag sinasabihan kang lagi ng “gago” your whole life, maniniwala ka na rin na gago ka. Di ba sa paulit-ulit na pag insist sa atin ng kasinungalingan, lalo na how we are flooded with information nowadays, ang balintuna ay nagiging totoo na sa mata ng marami.
May introduction na ako to be critical in high school—napektuhan din ako ng change of regime ng EDSA uprising. During high school, I became involved in the Student Council and I founded a cultural group called Kulay Kabataan where I met progressive teachers. Pagdating ng college, nagtuloy-tuloy ako mamulat, at magkaroon ng doubt. Galing Gapan, sa UST ako nag-aral ng Fine Arts.
Pati sa Luneta, nakikipag-debate ako.
Despite our religious upbringing, maluwag naman parents namin about how we will manage our own lives. Nung college, nakitira ako sa bahay ng tito ko sa Pandacan. In-explore ko ang Maynila at marami akong na-meet na mga interesting na mga tao. Inu-umaga ako sa pakikipag-kwentuhan. Pati sa Luneta, nakikipag-debate ako. Pati sa mga kulang-kulang nakiki-jam ako. Minsan, nasa rally ako against the charter change sa panahon ni Ramos na nag converge sa Luneta, may nakakita sa akin na taong grasa duon sa Luneta. Tinatawag niya ako. Nagulat mga kasama ko.
Sa Gapan, nung bata ako mahilig akong makipag kwentuhan sa matatanda sa baryo. Isa dito ang kapatid ng lolo ko na makata, at kinukwento nya yung balagtasan days nila—mga binibigkas niyang tula habang nagpuputong ng korona sa mga musa ng kung saan-saang komunidad. Sa high school, natropa ‘ko sa isang grupo ng mga progresibong teachers nung nag-organize ako ng cultural group. Marami din akong natutunan sa kanila.
Philosophers of Luneta
Na-discover ko ang Luneta nung nag-attend ako ng concert sa Quirino Grandstand on a labor day ng mid 90s– parang second phase ito ng Pamorningan sa Amoranto Stadium sa Kyusi. Pag-uwi ko, nadaanan ko yung mga nag-dedebate sa Luneta. Nawili na ako at bumalik-balik doon. May ilang chance na hinahatid pa ako sa UST after overnight kwentuhan with the regular tambays, para pumasok ulit ng klase kinabukasan.
Maraming topics ang kino-cover ng mga detabes namin, pero kadalasan ang pinakikinggan at sinasalihan ko ay tungkol sa history, philosophy, at religion. Halo-halo din ang tao at nakakagulat how they are well-informed Katulad nung isa na nakikita ko lagi sa may Padre Faura—dispatcher sa isang parking lot. Yung isa nakikita kong pakalat-kalat sa Malate pero pag nagsalita magaling pa sa mga napapanood mong senador sa TV. May mga professionals din, like yung isa professor sa isang malaking unibersidad, may manager din sa isang karatig na hotel, may dating radio announcer, may siga sa underworld, may millenarian na bumababa mula bundok Banahaw. Magugulat ka sa mga characters, kasama na mga estudyante.
May siga na kung tawagin nila “Lawin,” na pag nagiging mainit na ang debate siya ang nagiging sumbungan para mang-awat. May Kapampangan na tinatawag na “itinakda” dahil lahat sa kanya ay given na, ayon sa pananampalataya. Madaming legendary characters ng Maynila na nandoon tulad ni Paroparo, na paikot-ikot ng syudad sa kanyang bisikleta habang nakakabit sa likod niya ang malaking placard ng mga bersikulo sa bibliya; si Salenga na nagkalat ang propesiya sa UBelt.
Isa sa mga kuwentuhan namin ay ang underworld ng Malate. So ang dami kong nadidinig na mga characters at history ng lansangan na aakalaing mong hindi nangyayari sa totoong buhay. There was a point na yung nadidinig kong lead character ay makikilala ko in real life at magiging kaibigan. During this period din sa Luneta, we founded a group called “The Enlightenment League and Moral Society,” where we gather and talk a lot about life, about philosophy, about our human responsibilities.
Unti-unti yung doubt dumating sa akin. Naalala ko, may tula si Koyang Jess Santiago na binabasa ko, challenging the virginal birth of Mary at ano ang magagawa ng karpinterong si Jose sa itinakdang propesiya na kailangang mabuntis ang kanyang asawa na hindi siya ang ama. Si Koyang Jess ay isang artist, makata at folk singer.
Meron ding isang professor at makata ng PUP, si Rogelio Ordoñez, na may tula din na critical sa pagbisita ni Pope during the 80s. Lagi ko yon binabasa sa mga poetry readings. Malikot at maligoy ang pagkakasulat, performative itong basahin. At that time kasi, madalas kami mag-organize ng mga integrated na cultural activities sa tambayan namin, like poetry readings sa UST.
Wala namang guilt na kasama yung realization ko. Mas parang, nakatakas ako sa original sin na in-insist ng Catholicism. Walang galit ako na-feel naman, kasi nag-enjoy naman talaga ako sa realization at sa Catholic experience. Ngayon, siguro spiritual pa din ako, but not in the metaphysical construct.
Kaya di ka yumayaman ganyan ginagawa mo sa Diyos.
Well, pinalaki naman kami na independent so hindi sila nakikialam sa ideological beliefs ko. Although sa mga family conversations laging sinasabi ng nanay ko, “kaya di ka yumayaman ganyan ginagawa mo sa Diyos.”
Gradual naman ang pagkamulat ko din, kaya siguro mahirap ma-notice ang change kung meron man. Siguro ang nawala yung regular kong pagsama o pagpunta sa simbahan every Sunday. Malaking bahagi ng upbringing ko ito sa community lalo na yung social role mo sa mga church activities. Yung mga kababata ko sinasabi how I preach to them when I was young, then suddenly iba na sinasabi ko sa kanila.
Yung mga debate tungkol sa art ko, nasanay na rin ako. I learned now to choose my battles lalo na sa age ng internet. Open naman ako lagi sa criticism I love hearing other people’s opinions sa mga images na na-produce ko. It is important to know how they perceived my works pero siyempre there is a big difference between a critic and a troll.
Yung art ko, hindi naman galing sa anger. It’s more a deconstruction ng sacredness. It’s not an attack, but more of a personal journey or translations ng realization ko.
For more on the show, visit @omnibusmnl and @modeka.art on Instagram, and https://modeka.space/