ABS-CBN President and CEO Carlo L. Katigbak during the senate hearing on the company's franchise renewal last February 24, 2020. Photo by George Calvelo, ABS-CBN News
Culture Spotlight

ABS-CBN boss to Congress: ‘There is no court that has determined we have broken any laws’

In today’s speech at the house panel hearing for ABS-CBN’s franchise bills, the network president and CEO committed to continue listening to congress and the public on how to better improve the media company’s service.
ANCX | May 26 2020

In today’s house panel hearing to discuss the ABS-CBN franchise renewal bills, Carlo Katigbak, President and CEO of the embattled network, reiterated his plea to congress that the company be given its franchise to operate. It has been 21 days since its TV and radio stations were shut down, following the expiration of the ABS-CBN franchise last May 4. 

After addressing the top members of the House including Speaker Alan Peter Cayetano and Majority Floor Leader Martin Romualdez, Katigbak went on to express his sentiments, reiterate that the network has not violated any law, and deliver his appeal to the representatives. 

Here is Katigbak’s speech in full: 

Para sa ating mga Pilipino, ang pagmamahal sa pamilya ay pinakamahalaga. Ang ABS-CBN po ay ang aking pamilya. Isang pamilya ng labing isang libong taong naghahangad magserbisyo sa bayan.  

Sa nakalipas na mga linggo, nagdurusa po ang pamilya ko. Nag-aalala sila na mawawalan sila ng trabaho.  Natatakot sila para sa kanilang kinabukasan at sa kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang sakit po ng pakiramdam.  Alam po namin na sa panahon ng pandemya, napakahirap pong mawalan ng trabaho, dahil hindi madaling makahanap ng panibagong hanapbuhay.

May nagsasabi sa social media na nagpapaawa lang daw kami. Sana po makausap ninyo ang isang tatay o nanay na mawawalan ng hanapbuhay. Sana po maramdaman niyo ang takot nila kapag iniisip nila kung papaano nila bubuhayin at papakainin ang kanilang pamilya. Sana po pakinggan ninyo ang boses ng aming mga Kapamilya. Sinabi ng presidente ng aming rank and file union, “hindi na kami makatulog sa pangangamba.”

Hindi po kami nagpapaawa. Umaapila po kami—ibalik niyo po ang ABS-CBN para maprotektahan namin ang 11,000 kong Kapamilya at ang kanilang mga minamahal sa buhay.

We want to do everything we can to protect our employees.  Pero may hangganan din ang kakayahan ng kumpanya namin.  Habang wala kami sa ere, palaki ng palaki ang nalulugi sa amin. At sa mga darating na linggo, mapipilitan na kaming maglabas ng listahan ng mga empleyadong mawawalan ng trabaho. Sana makita po ng Kongreso na nasa kapangyarihan ninyo ang kinabukasan nila.

Sa tingin po namin, wala pong dahilan kung bakit hindi puedeng ibigay ang prangkisa ng ABS-CBN. There have been many accusations thrown against us, about alleged violations of laws or violations of our franchise. Sinasabi po ng mga bumabatikos sa amin, the law is the law.  

We agree. The law is the law.  And under the law, we are INNOCENT unless proven guilty. Up to now, there is no court that has determined we have broken any laws.  

Sabi po ng BIR, bayad ang aming buwis. Nanggaling sa SEC na aprubado sa kanila ang pag-issue ng mga PDR. Ang Department of Justice ang nagsabi na hindi labag sa prangkisa ang KBO. Ang DOLE naman ay nagsabi na sumunod kami sa lahat ng compliance orders nila.  

Wala po kaming nilabag na batas.  Pero inaamin namin na hindi kami isang perpektong organisasyon. May mga kakulangan din po kami. At handa naming ayusin ang mga ito.  

I know there are Congressmen who feel there are things we can do to be a better company.  We agree with you. Mark Lopez, our chairman, and I both commit that even if a franchise is given to us, we will not stop listening to you, and we will continuously take actions that make us a better company.   

Your honors, masakit po itong nangyari sa amin. Umasa po kami sa hangarin ninyo at ng Senado na habang pinag-uusapan ang prangkisa, hindi po kami mawawala sa ere.  Sa pag-shutdown namin, marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng serbisyo ng ABS-CBN, lalung-lalo na sa panahon ng pandemya.

Nasa 70 million po ang nanonood sa ABS-CBN bawat linggo.  Kailangan nila ang balita para sa kanilang kaligtasan o hanapbuhay. At habang hindi sila makalabas ng bahay, marami ang nangangailangan ng mga programang nagbibigay ng saya, inspirasyon, tibay ng loob at pag-asa.

Milyon-milyong OFW din po ang umaasa sa ABS-CBN para maibsan ang kanilang lungkot habang nagsasakripisyo para sa pamilya.  

Noong nag-umpisa ang quarantine, at gutom ang naging problema ng bayan, agad po kaming kumilos para makatulong. Sa suporta ng iba’t-ibang kumpanya, at sa donasyong nanggaling sa publiko, ang Pantawid ng Pagibig ay nakapaghatid ng pagkain sa tatlong milyong tao sa NCR, Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan.  Para po sa amin, ang magmalasakit ay tungkulin ng aming kompanya bilang isang tunay na kapamilya.

Sana pakinggan niyo nalang po ang boses ng ating mga kababayan na nagsasabi kung gaano kahalaga ang serbisyo ng ABS-CBN para sa kanila.  

Sa aming mga kapamilya, maraming maraming salamat po sa lahat ng suportang ibinibigay ninyo sa amin. Sana maparamdam ninyo sa inyong mga mambabatas kung gaano kahalaga ang ABS-CBN para sa inyo. Naniniwala po kami, ang pagbigay ng isang prangkisa ay nakasalalay sa serbisyong naibibigay sa taong bayan. ABS-CBN deserves a future only if it has made your lives better.

Your honors, nasa mga kamay ninyo ang kapakanan ng marami:  Ang aming mga empleyado at ang kanilang mga pamilya. Ang ating mga kababayan na umaasa sa serbisyo ng ABS-CBN.  

Hinihingi po namin na bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Tapat po kaming naglilingkod sa bayan sa mahabang panahon. Wala po kaming nilabag na batas. At nangangako po kami na patuloy kaming magsusumikap na maging mas mabuting kumpanya. We commit that even after receiving our franchise, we will have the humility to listen to the public on how ABS-CBN can continually be of better service to the country.

Thank you for this opportunity.  We place our trust in your love for family, and your love for country. Maraming salamat po.

Watch more in iWantv or TFC.tv