The director Joel Lamangan has helmed films, movies, and stage plays but his mode of expression this Monday morning, February 24, was, plain and simple, his words.
Representing the Director’s Guild of the Philippines, Lamangan appeared at the senate hearing for the franchise renewal of ABS-CBN and spoke about freedom of expression, a subject very close to this artist and activist’s heart. He said he was saddened by the fact that the discussion before him was not about how freedom of expression can be broadened and deepened but how it can be curtailed— which is the equivalent of shutting down the biggest media network in the country.
Lamangan’s filmography includes a lot of comedies, and romantic and domestic dramas, but he’s also behind many socially relevant works such as The Flor Contemplacion Story, Bakit May Kahapon Pa? and Mila.
Below is his full statement before the Senate:
“Ang Director’s Guild of the Philippines po ay narito upang ating bigyang pansin ang isang nakalulungkot na bagay na nangyayari sa atin. Ako po ay nalulungkot dahil sa pagpupulong na ito ay ating dini-discuss ang pagpatay sa isang plataporma na nagbibigay, naglulunsad ng kalayaan sa pananalita, kalayaan sa pamamahayag, at kalayaan sa pagpapahayag.
Nalulungkot ako at dumating tayo sa ganoong panahon. Sa halip na ating pag-usapan kung paano payayamanin ang mga plataporma na maglulunsad ng mga kalayaang ito, idi-discuss natin ay pagkitil at pagpatay dito. Hindi ba’t yun ang kalungkot-lungkot?
“Kaming mga direktor ng pelikula at telebisyon at tanghalan, ang aming mga materyal na pinagkukunan ng aming kwento ay ang buhay ng tao. Ang araw-araw na katotohanang nakikita namin sa lansangan. Ang araw-araw na nakikita namin mula sa aming paggising hanggang sa aming pagtulog. Yun ho ang batayan ng aming sinasalaysay na kwento na aming shine-share sa daan-daang mga manonood.
“Ang pinakamalawak na plataporma ng aming obra ay ang ABS-CBN. Ang anumang pagkitil sa prangkisa ng ABS-CBN ay malawak na pagyurak sa karapatan ng pagpapahayag at pamamahayag, at karapatan ng malayang pananalita.
“Kailangan hindi tayo gumawa ng mga paraan upang sagkangan ang kalayaang ito. Kung mayroong mga hindi magandang sinasabi o mayron mang katiwaliang naganap, o ginagawa ang plataporma, mayron tayong korte upang pag-usapan ang mga kahinaang ito. Hindi ang pagpatay o pagkitil, kundi ang pagbibigay ng due process upang marinig sa korte ang kahinaan o kalakasan ng sinasabi nating platapormang naglulunsad ng kalayaang ito.
“Sa aming mga direktor, napakaimportante ng mga plataporma sa paglunsad ng kalayaang ito. Tayo ay demokratiko - naka-ukit sa ating Saligang Batas ang karapatang ito ng pamamahayag at pagpapahayag. Kailangan ito’y ating pino-protektahan at ginagawan ng paraan upang yumabong at yumaman at mapanatili, sapagkat ito ang kahulugan ng demokrasya.
“Ang aming storya, ang aming kwento, ay tinatawag nating artistikong ekspresyon. Ang artistikong ekpresyon ng pelikula, ng tula, ng mga panulat, ng visual art, at lahat ng ibang sining ay kaluluwa ng bayan. Kung hindi mabigyan ng pagkakataon itong marinig at makita ng buong Pilipinas at ating mga kababayan sa ibang bansa, pag nawala ang napakalalaking plataporma… nakakatakot.
“Kung magagawa ito sa ABS-CBN, maaaring magawa rin ito sa mas maliliit pang may prangkisa. Sino na ang magkekwento ng istorya natin?
“Baka dumating ang panahon, ang storya natin ay ikwento na ng Beijing broadcast company. Ng HBO. Ng CNN. Sana huwag dumating ang pagkakataong iyon.
“Nung ako’y naimbitihan ditong ipresenta ang ating DGPI, una nagdadalawang isip ako eh. Kasi matagal na akong punta nang punta sa mga pagtitipon before. Mahigit dalawang dekada na akong lumalaban para sa kalayaan ng pananalita, kalayaan ng pamamahayag. Ngayon lamang ako naka-attend ng isang pagpupulong na papatay sa prangkisa ng pinakamalawak na plataporma ng paglulunsad ng kalayaang ito.
“Isang malungkot na katotohanan ito ngayon sa atin. Sana sa mga darating pang pagpupulong, sa mga darating pang ganitong pagtitipon ng mga kagalang-galang na senador, at mga kagalang-galang na mga taong nagrerepresenta ng ibang sektor sa pagpapahayag, ang susunod na pagpupulong ay tungkol sa pagpapaunlad ng kalayaang ito. At hindi sa pagkitil o pagpatay. Maraming salamat po.”