P4.5 milyong 'shabu' na ipinuslit sa lata ng choco wafer nasabat sa NAIA
7/30/2020 1:21:16 AM
Home > News

P4.5 milyong 'shabu' na ipinuslit sa lata ng choco wafer nasabat sa NAIA

MAYNILA - Aabot sa P4.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu na ipinuslit umano sa mga lata ng choco wafer ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport noong Hulyo 22. 

Ayon sa pahayag ng Bureau of Customs ng paliparan na inilabas ngayong Hulyo 30, naka-consign para sa isang residente sa Hagonoy, Bulacan ang natanggap na package, na galing Las Vegas sa Estados Unidos. 

Natuklasan ang mga droga nang i-physical examination ang mga cargo na natengga sa kanilang mga warehouse. 

Inilarawan umanong "Toys/Present" ang regalo pero nang buksan ang package, tumambad ang lata ng choco wafer at iba pang kagamitan. 

Sa lata ng choco wafer nakitang ipinuslit ang hinihinalang shabu. 

Nakumpirma naman ng mga awtoridad na shabu ang nilalaman ng lata. 

Nakipag-ugnayan na ang tanggapan sa Philippine Drug Enforcement Agency para masampahan ng karampatang kaso ang mga nag-import.