PANOORIN: Aspiring athletes, nagharap-harap sa SBP-Passerelle 2017 sa Cebu

MILO Philippines

Posted at Dec 22 2017 11:59 AM

Muling nagharap-harap ang ilan sa pinakamahuhusay na amateur basketball players ng bansa sa ginanap na SBP-Passerelle Twin Tournament sa Cebu City. 

Suportado ng Milo Philippines, ang paligsahang ito ay dinaluhan ng mga pasibol na atleta mula sa iba't ibang elementary at high school institutions ng bansa.

Ang SBP-Passerelle Twin Tournament ay isa sa mga programa ng Milo BEST (Basketball Efficiency & Scientific Training) Center na itinatag ng beteranong coach na si Nic Jorge noong 1978. 

Layunin nitong mas mapalawig ang kaalaman ng mga kabataan sa fundamentals ng sport at pati na rin sa paggamit ng scientific and systematized approach sa bawat laro. 

Sa halos apat na dekadang pasada ng BEST Center, marami na ditong dumaan na mahuhusay na mga atleta, tulad nina Benjie Paras, Chris Tiu, at Kiefer Ravena. 

Sa ginanap na national finals, mainit ang naging harapan ng San Beda College at Holy Child College of Davao sa high school division ng patimpalak. Pero sa huli'y nanaig ang depensa ng San Beda at muling naiuwi ang titulo matapos ang anim na taong paghihintay. 

Ayon kay Joshua Lazaro, isa sa mga manlalaro ng San Beda, matagal ang naging paghahanda nila para sa larong ito. 

"Talagang pinaghirapan po namin ito. At teamwork, hindi naman po mananalo ang isang tao sa basketball kung mag-isa lang siyang gagawa kasi siyempre lima po 'yong kalaban niya. Kailangan po lahat talaga magtutulungan," aniya. 

Samantala, mainit din ang naging labanan sa pagitan ng Sacred Heart School – Ateneo de Cebu at De La Salle Greenhills. Pero sa huli'y nagwagi ang De La Salle Greenhills sa score na 66-51. 

Ani ng kanilang coach na si Justin Tan, ipinagmamalaki niya ang tagumpay ng kanyang mga atleta. 

"We're happy kasi ito iyong result ng hardwork ng mga kids. Their selfless attitude, ito na iyong bunga," ani Tan.

Naiyak naman sa tuwa ang manlalaro ng De La Salle Greenhills na si Lorenzo Bryan Competente. 

"Memorable po itong championship namin kasi po last year na po namin," sabi niya.

Matapos ang laro, muling nagsama-sama ang mga koponan para sa kanilang tradisyunal na fellowship night, kung saan sila'y nagtanghal sa harap ng kanilang mga magulang at mga coach.

"One of the many reasons why Milo believes that sports is the right way to go kasi we believe that sports is a great teacher. Through sports, you get to learn the different character values like teamwork, confidence, discipline, iyon iyong importance ng sports. Iyong different values na matututunan nila," sabi ni Lester Castillo, Milo Sports executive.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.