Paano magpadala ng pera kahit saan ka man sa bansa

PayMaya

Posted at Dec 21 2021 04:52 PM | Updated as of Dec 22 2021 10:13 AM

Ang pagpapadala at pagtanggap ng remittance this Christmas season ay convenient at accessible na sa tulong ng SENDali experience hatid ng Smart Padala.

Para ipakita kung gaano kadali magpadala at tumanggap ng pera sa pamamagitan nito, inilunsad ng Smart Padala by PayMaya ang bago nitong SENDali video. Tampok dito ang bagong jingle sa tono ng hit song na Shalala Lala by Vengaboys at ang easy-to-follow dance steps.

Watch more on iWantTFC

Magpapadala ka man ng pera sa iyong loved ones sa pamamagitan ng Smart Padala agent o PayMaya app, o tatanggap ng pera mula sa iyong mga kaibigan at pamilya dito sa Pilipinas o sa ibang bansa, kailangan mo lang sundan ang steps na ito para makuha ang SENDali experience for your transaction.
 
Magpadala ng pera sa iyong go-to agent

One step to your left, and a little to your right – ganyan lang kadali makahanap ng Smart Padala agent malapit sa'yo. Dahil sa malawak na network ng Smart Padala na may 60,000 agent touchpoints nationwide, madaling ma-access ang remittance services nito. 

'Pag nahanap mo na ang Smart Padala agent in your community, ang kailangan mo lang gawin ay ibigay sa agent ang pangalan at mobile number ng iyong padadalhan.

Tumanggap ng pera nasaan ka man

Iabot ang iyong kamay sa Smart Padala agent just six minutes away from you at maaari ka nang makatanggap ng remittance mula sa iyong mga mahal sa buhay dito at sa ibang bansa.

Dahil may Claim Anywhere service ang Smart Padala, hindi mo na kailangang ibigay ang 16-digit Smart Padala number ng specific agent sa iyong sender. Ang kailangan lang nila para makapag-padala sa'yo ay ang iyong pangalan at mobile number. Kapag naipadala na ang pera, SENDali na ang pag-claim kahit nasaan ka man - pumunta ka lang sa pinakamalapit na agent sa iyo at ipakita ang iyong claim reference number.

Magpadala mula sa bahay

Walang oras para lumabas? No problem. Sa loob ng ilang tap sa iyong PayMaya app, ang iyong padala ay maaari nang makuha ng iyong receiver sa pinakamalapit na Smart Padala agent sa kanila. 

Sa homepage ng PayMaya app, i-tap lang ang Send Money, ilagay ang 16-digit Smart Padala number ng trusted Smart Padala agent ng iyong recipient, ilagay ang halaga at pindutin ang send. Ang kailangan mo na lang gawin ay i-share ang reference number sa iyong recipient upang madali nilang ma-claim ang padala.

SENDali lang ang pag-claim or pag-send ng padala kahit saan sa bansa sa tulong ng Smart Padala. Photo source: Smart Padala Facebook
SENDali lang ang pag-claim or pag-send ng padala kahit saan sa bansa sa tulong ng Smart Padala. Photo source: Smart Padala Facebook

A play between the words send and dali – ang SENDali ay naghahatid sa mga customers ng hassle-free remittance experience sa tulong ng Smart Padala. Ito ay posible sa pamamagitan ng wide at accessible network nito na may higit 60,000 agent touchpoints sa buong bansa, halos anim na minuto lang ang layo sa iyo. 

Hindi lang ang SENDali remittance experience ang handog nito, nag-aalok din ang Smart Padala ng mga exclusive rewards para sa mga customers with its SENDali Manalo Raffle Promo. Available hanggang January 15, 2022, ang Smart Padala ay mamimigay ng P3,000,000 worth of prizes kung saan dalawang (2) lucky winners ang mag-uuwi ng grand prize na P1,000,000 each, siyam (9) na winners ang magkakaroon ng P50,000 each, at animnapung (60) winners ang mag-uuwi ng tig-P10,000 each. 

Para makakuha ng raffle entry, magpadala o mag-claim ng at least P500 via Smart Padala. Maaari ka pang makakuha ng dalawang (2) raffle entries para sa iyong transaction kung magpapadala o mag-claim ng higit P2,000.

Ang Smart Padala agents ay present sa 92% ng mga lungsod at munisipalidad sa buong bansa at accessible within a few minutes sa iyong barangay. Sa pamamagitan nito, mas madali na ngayon magpadala ng pera sa iyong mga kaibigan at pamilya, at ipadama sa kanila ang iyong pagmamahal, kahit malayo ka – especially this Christmas season.

Ang PayMaya ay isang end-to-end digital payments ecosystem enabler sa Pilipinas, na may mga platforms at serbisyo na sakop ang mga consumers, merchants, communities, at ang gobyerno.

Binibigyan nito ang higit sa 41 milyong Pilipino ng access sa mga financial services. Ang mga customers ay maaaring magbayad, mag-cash in, mag-cash out o mag-remit sa pamamagitan ng mahigit 380,000 digital touchpoints nito sa buong bansa. Ang Smart Padala ay nagbibigay access sa digital services sa mga unbanked at underserved. Sa pamamagitan ng enterprise business nito, ito ay isa sa pinakamalaking digital payments processor para sa mga pangunahing industriya sa bansa, kabilang ang "everyday merchants” sa retail, food, gas, at e-commerce, gayundin ang mga ahensya at units ng gobyerno.

Photo source: Smart Padala
Photo source: Smart Padala

Upang mas makilala ang mga products and services ng PayMaya, bisitahin ang website nito o i-follow ang @PayMayaOfficial sa Facebook, Twitter, at Instagram. Para sa karagdagang detalye sa Smart Padala, i-click ang link na ito.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.