Huawei Mate 30 series nandito na sa Pilipinas

Huawei

Posted at Nov 22 2019 07:59 PM

Opisyal na inilunsad ng Huawei ang kanilang bagong series sa Pilipinas. Bilang isa sa mga nangunguna sa mundo ng smartphone videography, inistilo ang Mate 30 at Mate 30 Pro ng high-end features na nagpapatibay ng kanilang katayuan bilang bagong flagship products.

Bida sa disenyo at performance, itinaas ng bagong Mate 30 series ang pamantayan sa mobile photography at videography, sa level up nitong triple camera (Mate 30) at quad camera (Mate 30 Pro) na may ultra-wide angle at telephoto lens.

Kabilang sa mga nag demo ng bagong series ay sina Huawei Brand Ambassador Jericho Rosales, TVC Director Sid Maderazo, at Creative Director GP Reyes, na nagbigay diin sa mga features tulad ng gesture sensor, 3D depth sensor (Mate 30 Pro), 32MP selfie camera (Mate 30 Pro), at 40MP cine camera (Mate 30 Pro) para sa mga mahihilig sa videos.

Inihayag din ni Huawei Senior Product Marketing Manager Peter Gauden ang ultra-slow motion feature ng Mate 30 series.

"We have slow motion capabilities now, upto 7,680 frames per second. It is like taking 1 second and splitting it up into 7,680 frame by frame. So you can do things like see the movement of a hummingbird or a bee," paliwanag ni Gauden.

Sa pamamagitan ng Seamless AI Life, madali at mabilis nang gamitin ang intuitive interactions, on-demand services, cross device at scenario, at iba pa.

Bukod sa teknolohiya, ang tanyag na smartphone brand ay nagbibigay serbisyo sa isang advocacy project matapos nito makipagsanib pwersa sa environmental group na Save Philippine Seas.

"They chose Save Philippine Seas to actually be of help with us with this project in Cebu. It won our activity called Hackathon. It is a DIY sensor that sends signal whenever there are water disturbances straight to the sea warden's phone, so it is for easier monitoring. Huawei will be funding the project," pahayag ni Save Philippine Seas Education Officer Inah Salazar.

Maaaring bilhin ang Mate 30 sa halagang P34,990 at ang Mate 30 Pro naman sa halagang P50,990.

Panoorin ang report ni MJ Felipe.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.