Inilabas na ng technology giant na Huawei ang pinakabagong flagship na unit ang Huawei nova 5T nito na maaaring makaakit sa GEN-Z at iba pang kabataan.
Maaari nang pagsabay-sabayin ng users ang kanilang mga hilig gamit ang Huawei Nova 5T na mayroong 48MP Five AI Cameras, Kirin 980 7nm AI Flagship chipset, at 8GB RAM + 128G ROM.
Dahil dito, maaaring sabihin na kaya ng Huawei Nova 5T na tulungan ang bawat user na maging pinakamaganda at pinakamahusay na bersiyon ng kanilang mga sarili nang hindi gumagastos ng malaking pera. Nasa P18,990 lang ang halaga ng phone na ito.
Ang Nova, o "new star" sa Latin, na may Kirin 980 flagship chipset at 48MP 5 AI cameras ay maaaring bilhin sa tatlong kulay: midsummer purple, black, at crush blue. Mayroon itong 6.26-inch screen, at 32MP front camera na mayroong EMUI 9.1.
Ang bagong unit na ito ay ipinakita sa media noong Agosto 29 sa The Island, Bonifacio Global City.
Panoorin ang ulat mula sa TV Patrol upang malaman ang mga nangyari sa media launching event ng Huawei nova5T.
Dahil sa lakas nito, swak na swak ang Huawei Nova 5T sa mga Gen-Z at iba pang mga kabataan.
Huwag palampasin ang pagkakataong ma-inspire gamit ang Huawei Nova 5T sa halagang P18,990 (SRP). Kung magpi-pre-order mula September 6 hanggang 13, makakakuha ng libreng Huawei Surround Speakers na nagkakahalagang P1,990.
Para sa detalye, maaaring bumisita sa opisyal na website, Facebook, at Twitter accounts.
NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.