PatrolPH

Face masks na habing-kamay, tumutulong sa mga katutubo

Globe

Posted at Jul 30 2021 12:26 PM | Updated as of Jul 30 2021 02:00 PM

Sa kabila ng paghihirap na dulot ng kasalukuyang krisis, isang social enterprise ang nakapagbigay ng pangkabuhayan sa mga katutubong komunidad sa malalayong lugar, sa pamamagitan ng paggawa ng face masks gamit ang mga fabric scraps. 
 

Face masks na habing-kamay, tumutulong sa mga katutubo 1
Itinatag ni Ysabelle Sarayba ang Abra Indigo Manila, isang Filipino social enterprise na naglalayong mailapit ang pamana ng kultura sa mas maraming tao habang nagbibigay ng kabuhayan sa mga katutubong komunidad. Photo source: Globe

Ang Abra Indigo ay isang social enterprise na itinatag ni Ysabelle Sarayba upang bigyan ang mga naninirahan sa lungsod ng pagkakataong matuklasan ang mga katutubong produkto sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga lokal na komunidad, manggagawa, at mamimili.

Bagaman nakaranas ang Abra Indigo ng ilang problema dulot ng kasalukuyang health crisis, nanatiling determinado si Sarayba sa kanyang hangarin na tulungan ang ibang tao, lalo na ang mga walang kinikita sa panahong ito.

Sa tulong ng telecommunications network tulad ng 4G LTE ng Globe, nagawang makipag-usap ni Sarayba sa Itnegs ng Abra at regular na nakapagbabahagi ng mga ideya kahit naka-lockdown ang bansa. Dahil dito, sila ay nakapaglabas ng napapanahong mga produkto.

Ni-repurpose ng mga Itnegs ang katutubong fabric scraps at ginawa itong face masks. Ang bawat disenyo ng face mask ay naiiba at may iba't-ibang mga burda na sumasalamin sa mayamang kultura nila. Mayroon din itong bulsa para sa karagdagang filter.

Face masks na habing-kamay, tumutulong sa mga katutubo 2
Ang tribo ng Itneg ay kilala sa magagandang habing-kamay na tela na may burda. Dahil ginagamit nila ang paghabi upang ibahagi ang kanilang kwento, ang bawat pattern, disenyo, at simbolo ay may kasaysayan sa likod nito. Photo source: Abra Indigo Manila Facebook

Ang mataas na demand para sa face mask ang nagpahintulot kay Sarayba na tulungan pa ang mas maraming tao. Sila ay kumuha ng tela sa isa pang katutubong komunidad sa Ilocos at ito ay hinabi ng mga mananahi sa Novaliches. Sa kabila ng mga hamon, nadagdagan ang produksyon nila at nakapagbigay ng hanapbuhay sa mas maraming tao.

Umaasa si Sarayba na ang Kwentong Tagumpay ng Abra Indigo ay magpapatuloy alang-alang sa mga pamayanan na sinusuportahan nito. "Today, Abra Indigo is continuously growing, so that means more income sa mga indigenous communities, and then soon, we hope na mas marami pa kaming indigenous communities na matulungan i-market 'yung mga products nila," sabi niya. 
(Patuloy ang paglago ng Abra Indigo ngayon, at ito ay nakakapagdala ng madaming kita sa mga katutubo. Kami ay umaasa na mas marami pa kaming katutubo na matulungang i-market 'yung produkto nila.)

Ang inspirasyon para sa Abra Indigo ay dumating nang si Sarayba, na noon ay isang graduating student sa University of the Philippines, ay sumali sa isang bazaar sa paaralan kung saan nakilala niya ang isang mag-asawang Itneg. Agad niyang nagustuhan ang mga produkto nito at tinanong kung puwede siyang maging kasosyo nila.

"I did not have any capital to buy their products, so I had to loan P20,000. It was a rough start since the products were costly at hindi ko sila tinawaran since I wanted to help. I really believed in the products, so I started posting online, and to my surprise, nabenta namin lahat," ibinahagi ni Sarayba. 
(Wala akong puhunan pambili ng kanilang produkto, kaya't kailangan kong humiram ng P20,000. Hindi naging madali sa simula kasi mahal ang produkto at hindi ko sila tinawaran kasi gusto kong tumulong. Pero naniniwala ako sa produkto nila kaya nag-post ako online. Nagulat ako at nabenta namin lahat.)

Sa tulong ng tech at marketing skills ni Sarayba at ang natatanging damit, accessories, at home essentials na gawa sa tela ng Itneg, mabilis na lumago ang negosyo sa loob lamang ng ilang buwan. Mula sa one-woman team, anim na sila ngayong nagtatrabaho sa Abra Indigo.

Para sa Globe, ang mga kwentong tagumpay tulad nang kay Sarayba ang nag-uudyok sa kanila na tugunan ang lumalaking pangangailangan para sa first-world connectivity at ang pagbigay ng mas mahusay na customer experience. 

"We are ramping up our efforts to give stronger, reliable, and high-speed coverage to more provinces, even in far-flung areas of the Philippines. The 4G LTE migration and the upgrading of broadband subscribers to Globe fiber lines are crucial in our efforts to elevate our customers' satisfaction and mobile experience, given the increasing demand for data. This also lays the groundwork for 5G, a more advanced and faster technology," said Ernest L. Cu, Globe President and CEO.
("Tuloy ang aming pagsisikap para makapag-hatid ng mas malakas at mas matatag na network sa bansa. Kasama rito ang paglipat sa 4G LTE na teknolohiya at pag-upgrade sa fiber ng mga naiwan sa broadband. Layunin nitong mas gumanda ang kabuuang mobile at internet experience ng aming mga customers. Sa katunayan, excited din kaming ihatid ang 5G — na nangangakong i-level up pa ang inyong internet experience," sabi ni Ernest L. Cu, Globe President and CEO.)

Masidhing sinusuportahan ng kumpanya ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 kung saan binibigyang diin ang mga tungkulin ng imprastraktura at innovation bilang mga kritikal na driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon din ang Globe na itaguyod ang 10 United Nations Global Compact principles.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Globe.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.