PatrolPH

4G, nakatulong sa mga frontliners, deboto ng Manaoag

Globe

Posted at Jul 30 2021 11:55 AM | Updated as of Jul 30 2021 12:07 PM

Isa ang Pangasinan sa mga kilalang probinsya ng Pilipinas dahil sa Hundred Islands at Dagupan bangus. Ito din ay kilala bilang isang sentro ng pananampalataya ng mga Katoliko. Dito matatagpuan ang Shrine ng Our Lady of Manaoag na kinalalagyan ng pilak at garing na imahen ni Birhen Maria na mula pa sa ika-17 siglo. Ito ay dinarayo ng libo-libong turista mula sa iba't-ibang panig ng bansa upang ipakita ang kanilang debosyon.

Pero dahil sa pandemya, lubhang naapektuhan ang turismo ng Pangasinan at naging malaking hamon din ito sa pananampalataya.

Kahit ipinagbawal ang mga malalaking pagtitipon gaya ng misa, hindi naman ito naging hadlang para sa mga deboto. Sa halip na bumiyahe ng ilang oras para makapunta sa simbahan, nagagawa na nila ngayong makasama sa misa sa tulong ng live streaming.

''Napakahalaga sa panahon natin ngayon na mayroon tayong internet connection, lalo na sa simbahan. Alam natin na maraming hindi nakakapunta sa simbahan dahil sa restrictions, napakahalaga na makapagbigay tayo ng inspirasyon sa ating mamamayan at madama nila ang Panginoong Hesukristo,'' pahayag ni Rev. Allan Lopez, isa sa mga paring nagmimisa sa Manaoag. 

Ang naging problema ayon kay Rev. Lopez ay ang mabagal na connection noong wala pang 4G LTE sa kanilang lugar. 

''Yung live streaming ng misa, nagfe-freeze video, hindi naman puwedeng hihinto kami sa pagmimisa. Tapos sabi ng mga parishioner namin, patalon-talon daw ang video na napapanood nila kaya hindi sila maka-focus sa misa, hindi nila maisa-puso kasi distracted sila sa problema ng mabagal na koneksyon,'' paliwanag niya.

4G, nakatulong sa mga frontliners, deboto ng Manaoag 1
Libo-libong deboto ng Manaoag ang nanunuod sa live stream ng mga misa nito. Photo source: Globe

Isa rin ang pamilya Peralta na kabilang sa mga pamilya ng mga frontliner na nangangailangan ng mabilis na koneksyon. Ito ay para pagtibayin ang kanilang samahan bilang mag-anak at patuloy na makapaglingkod sa komunidad.

Nakadestino sa iba't-ibang ospital sa Metro Manila ang tatlong anak ng mag-asawang Federico at Ana, kaya nawawala lamang ang kanilang pag-aalala kapag nagkakasama sila sa pamamagitan ng video call.

''Mga doktor kaming lahat, so talagang limitado 'yung pagkakataon na magkita-kita kami. Malaking bagay 'yung internet, [ito ang] paraan para makapag-communicate kami sa isa't-isa at mapagpatuloy namin 'yung aming bond bilang pamilya,'' ani ni Dr. Federico III. 

Sa video call din nakakausap nina Dr. Federico at Dr. Ana ang kanilang mga pasyente para maiwasang magkahawahan ng sakit.

4G, nakatulong sa mga frontliners, deboto ng Manaoag 2
Ang mga Peralta ay isang pamilya ng mga doktor na nagkikita lamang sa video call, kaya naman importante sa kanila ang mabilis na internet connection. Photo source: Globe

Pero nung wala pang 4G LTE, nahirapan ang mag-asawang doktor sa kanilang pang-araw-araw na komunikasyon dahil sa mahinang signal. Kaya naman malaking tulong sa Pangasinan at sa mga karatig-lugar ang isinagawang pag-upgrade ng Globe sa mga cell sites nito sa 4G.

''Salamat at dumating din sa aming probinsya ang 4G. Kahit sa abroad malinaw na kaming mapapanood ng mga deboto. Puwedeng puwede kayong mag-comment, mag-type ng 'Amen!''' masayang kuwento ni Rev. Lopez.

''4G pala 'yang hi-tech na sinabing solusyon sa pagka-miss ko sa mga anak ko. Wala na akong kaba sa sitwasyon ng mga bagets. Proud na proud ako sa lakas ng loob at malasakit na ipinapakita ng mga anak ko sa bayan,'' sabi naman ni Dr. Ana.

Ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group, tuloy-tuloy ang pagsasaayos at pagpapalawak ng network ng Globe para maserbisyuhan ang buong bansa.

''Hangad namin sa Globe na lahat ng Pilipino ay makasabay sa mga pagbabagong hatid ng makabagong teknolohiya. Dahil dito, patuloy naming ina-upgrade ang aming network para magkaroon ng mas magandang karanasan ang ating mga kababayan,'' pahayag ni Agustin.

Pinapaalalahanan din niya na kailangan nang magpa-upgrade sa 5G-ready 4G LTE SIM ang mga gumagamit pa ng 3G SIM. Hindi alam ng maraming tao sa Pangasinan at ibang parte ng Ilocos Region na ang paggamit nila ng 3G SIM ay isa sa dahilan ng mabagal na data connection dahil ito ay napaglumaang teknolohiya na.

Libre ang pagpapa-upgrade sa 5G-ready 4G LTE SIM cards sa mga Globe Stores sa buong bansa. Makatutulong din kung ang mga mobile phones na gagamitin ay 4G-ready na. 

Hindi kailangan kabahan ang mga magpapa-upgrade dahil mananatiling parehas ang kanilang mga numero at ang mga data subscription nila. Para sa karagdagang kaalaman tungkol dito, bisitahin ang site na ito.

4G, nakatulong sa mga frontliners, deboto ng Manaoag 3
Isa sa mga cell sites ng Globe sa Pangasinan na ngayon ay 4G na. Photo source: Globe

Patuloy na sinusuportahan ng Globe ang 10 United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs), partikular ang UN SDG No. 9 na nagbibigay diin sa mahalagang papel ng imprastruktura at innovation sa pagpapaunlad ng ekonomiya.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang website o Facebook
page
ng Globe.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.