Paano magiging ligtas sa pagbabalik trabaho?

Unilab

Posted at Jul 19 2022 12:00 PM

Vaccination rollout for adults in Manila City. Photo source: ABS-CBN News
Vaccination rollout for adults in Manila City. Photo source: ABS-CBN News

Marami ang naghahangad na makabalik sa buhay bago mangyari ang health crisis. Sa pagbalik ng mga sasakyan at tao sa kalsada, pagbubukas ng mga malls, restaurants, at simbahan, pati na ang muling pagpayag sa pangmalakihang pagtitipon, maging ang mga manggagawa ay bumabalik na rin sa pagpasok sa trabaho, paano nga ba tayo mananatiling ligtas? 

Ayon sa mga eksperto, ang isa sa mga solusyon ay ang pagpapabakuna

Paano? Kapag nabakunahan ang malaking porsyento ng populasyon, maaaring makamit ang tinatawag na herd immunity. Nangyayari ito kapag malaking bahagi ng komunidad ay naging immune na sa sakit na dulot ng virus. Hindi na kakalat ang virus kapag nakamit ito at ang buong populasyon ay protektado na. 

Kapag may herd immunity na ang Pilipinas, tuloy-tuloy na ang pagbubukas ng ekonomiya. Wala nang mga restrictions, balik na ang turismo, at hindi na ulit isasara ang mga tindahan. Para sa mga taong nawalan ng trabaho noong 2020, ang pagbubukas ng ekonomiya ang makakatulong sa kanila na makahanap ng trabahong sigurado at may maayos na sahod dahil mas maraming oportunidad ang dadating sa bansa.

Kapag ang isang manggagawa ay nabakunahan, tataas din ang kanyang job security at mas dadami ang opportunity. Mapapayagan siyang magtrabaho on-site at gumamit ng mga pampublikong transportasyon para makapasok.

Makatutulong din ang pagpapaturok ng booster shot, kung may clearance sa iyong doktor o kahit para sa malalakas ang pangangatawan, lalo na para sa mga manggagawa. Dagdag proteksyon ito laban sa sakit at tulong ito para mapanatili ang malakas na proteksyon ng katawan laban sa matinding pagtama ng sakit lalo na para sa mga lumalabas araw-araw at bumibiyahe.

Maliban dito, matutulungan mo na protektahan ang mga mahal mo sa buhay laban sa sakit. 

Residents of Makati City line up to get COVID-19 vaccines and booster shots. Photo source: ABS-CBN News
Residents of Makati City line up to get COVID-19 vaccines and booster shots. Photo source: ABS-CBN News

Ayon din sa pag-aaral ng mga eksperto, sa Pilipinas at abroad, mabisa at ligtas naman ang mga vaccine. Ito ay nakatutulong mabawasan ang pagpasa ng virus, paghina ng epekto nito, at pagprotekta laban sa mga new variants. Makikita rin ang magandang epekto nito sa patuloy na pagbaba ng local cases. 

Huwag din matakot sa mga kumakalat na fake news tungkol sa mga posibleng nakababahalang side effects nito. Ayon sa research, normal lang makaramdam ng pananakit ng katawan, lagnat, pangangatog, pagduduwal, at iba pa, dahil ito ay signs na ang iyong katawan ay gumagawa ng proteksyon laban sa sakit. Ito ay minor lang at mawawala rin pagkalipas ng ilang araw. Para makasiguro, lalo na ang may mga existing na health conditions o comorbidities, sagutin ng tapat ang lahat ng tanong ng doktor sa vaccination sites. 

Ito rin ay libre at sagot ng gobyerno. Wala kang kailangang bayaran na kahit ano. Madali na lang ding pumila o mag-sign up sa iyong LGU para magpabakuna ngayon. 

Upang mas lalo pang mapalaganap ang adbokasiyang ligtas na pagpapabakuna, inilunsad ng pharmaceutical company na Unilab ang kanilang BAK to Work campaign.

 

Sa pamamagitan ng maikli ngunit makabuluhang jingle na ito, hinihikayat ang lahat ng mga empleyado at manggagawa na magpabakuna para mas kampante kang makabalik trahabo. Nakatutulong din ito na magbigay proteksyon sa iyong pamilya. 

Magpabakuna na ngayon upang ligtas makabalik sa trabaho at ligtas makauwi sa iyong mga mahal sa buhay. Photo source: Unilab
Magpabakuna na ngayon upang ligtas makabalik sa trabaho at ligtas makauwi sa iyong mga mahal sa buhay. Photo source: Unilab

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa BAK to Work campaign ng Unilab, bisitahin ang Facebook page o website nito.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.