Overseas Filipinos inspirasyon ni Hidilyn sa SEA Games

BDO Unibank

Posted at Jul 04 2022 11:02 AM

Hidilyn Diaz, a gold medalist at both Olympic and SEA Games shares her victory story. Photo source: BDO Unibank
Hidilyn Diaz, a gold medalist at both Olympic and SEA Games shares her victory story. Photo source: BDO Unibank

Si Hidilyn Diaz ay isang weightlifting inspiration sa Pilipinas. 

Mula sa kanyang pagkapanalo ng gold sa Women's 55-kg category sa weightlifting sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam, ibinahagi ni Hidilyn Diaz na aware siya na ang tagumpay niya ay hindi naiiba sa kuwento ng mga Overseas Filipinos na araw-araw sumasabak sa laban ng buhay sa abroad habang malayo sa kanilang mga mahal sa buhay. 

Sabi ni Hidilyn, mas matindi pa raw ang nararanasan ng mga kababayan abroad lalo na noong nagkaroon ng pandemya. May ibang natigil sa trabaho pero hindi pa rin umuuwi sa Pilipinas dahil iniisip ang kalagayan ng pamilya at may iba namang nagdodoble-kayod para madagdagan ang income. 

"We take it day-by-day and we continue with our dreams. Talagang akma yung linyang we find ways eh. Hindi ka dapat bumitaw kase may paraan para maitawid ang buhay," sabi ni Hidilyn, one of BDO Unibank brand ambassadors.

Binigyan diin din niya ang kahalagahan ng pagdadasal at suporta mula sa pamilya at mga kaibigan upang malagpasan ang anumang pagsubok— maging sa negosyo man o international sports competition.

"Iba kapag may nakakausap ka. May kasangga ako hindi lang 'yung coaching team ko kundi pati na rin friends ko. Napakalaking tulong nila. At syempre, hindi mawawala ang inspirasyon na galing sa aking pamilya at ang prayers ko kay God," shares Hidilyn, Olympic and now SEA Games gold medalist.

Hidilyn shares that there are times that she too cries and asks herself "ano ba itong hinaharap ko ngayon? 'Di ko na yata alam kung paano solusyunan." Pero sa kabila nito, kinumbinse ni Hidilyn ang sarili na kayang-kaya niyang lagpasan ang mga pagsubok at magiging okay din ang lahat. That is the kind of mentality that helped her to get her most recent gold medal in weightlifting.

Connect with BDO Unibank today through their website or check out the BDO Kabayan Facebook page

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.