Swak na smartphone para sa mobile gamers, ipinakilala

realme

Posted at May 24 2019 11:06 AM

Dahil sa dami ng mobile games na maaaring malaro, dapat de-kalidad ang smartphone na gamit para maging solid at lag-free ang gaming experience. Kaya naman inihahandog ng realme ang pinakabagong nitong smartphone na swak sa lahat ng casual mobile gamers.

Nitong Biyernes, pormal na ipinakilala ng realme ang smartphone na realme 3 Pro na may features ng angkop sa mabilis at hassle-free na paglalaro, at pagkuha ng hi-res na mga retrato.

Suwabe ang paglalaro ng mobile games gamit ang realme 3 Pro dahil pinalakas ito ng top-of-the-line na Qualcomm Snapdragon 710 AIE Processor.

Hindi na rin magiging problema ang ma-lowbat habang naglalaro dahil meron itong 4045mAh battery na may kasamang VOOC flash charge 3.0. Ibig sabihin, maaaring umabot agad ng 50% charge ang smartphone sa loob lang ng 30 minuto.

Bida rin sa realme 3 Pro ang 25-megapixel na selfie camera at 16-megapixel + 5-megapixel na dual rear cameras. May kasama itong super nightscape mode na puwedeng kumuha ng magagandang mga retrato mapa-araw man o gabi.

Ilan pa sa features ng naturang smartphone ang 6.3-inch na full HD+ IPS display, dual SIM capabilities at face unlock function.

Nagkakahalaga ang realme 3 Pro ng P12,990 (4 GB + 64 GB) o P14,990 (6 GB + 128 GB). Puwede itong makuha sa nitro blue, lightning purple at carbon grey colors.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.