Mga benepisyo ng 4G LTE SIM

Globe

Posted at Apr 21 2021 11:09 AM | Updated as of Apr 21 2021 01:52 PM

Ang pagkakaroon ng internet connection ay hindi na isang pribilehiyo lamang ngunit isang pangangailangan habang patuloy ang pagtatrabaho, pag-aaral, at pakikisalamuha ng mga Pilipino online. Gayunpaman, sa kabila ng pagpapabuti sa average broadband internet speed sa bansa, madami pa rin ang nakakaranas ng mabagal o putol-putol na koneksyon.

Sa Baler, Aurora, ang mga customer ng Globe ay nakakaranas na ngayon ng mas mabuting serbisyo sa kanilang tawag, SMS, at data browsing services pagkatapos mag-upgrade sa 5G-ready 4G LTE SIM card mula sa lumang 3G SIM. Ito ay parte ng paglipat ng network sa 4G LTE, ang bagong pamantayan ng mobile data, sa kabisera ng Aurora province.

''Mabagal po internet noong nakaraan, pero ngayon mas malakas na po 'yung signal. Hindi ako nagsisisi. Magpalit na po kayo ng SIM para ma-experience ninyo ang malaking diperensya,'' ani ni Novelith Erjas, isang Globe customer sa Baler.

Sabi ni Erjas, na isang mag-aaral din, ang pinabuting internet connectivity ay nagbigay sa kanya ng oportunidad na makagawa ng mas marami kumpara noong gamit ang lumang 3G SIM card. Inamin din niyang matagal din siyang nagpasya bago mag-upgrade, isang bagay na pinagsisisihan niya ngayon.

''Noong una ayaw ko pang magpalit ng SIM. Pero nung nalaman ko na mas maganda yung 4G, na-appreciate ko na. Mas na-e-enjoy ko na ngayon ang 'pag i-internet at hindi na hassle sa signal. Dati ang akala ko mahina ang signal ng Globe, 'yun pala kailangan ko lang magpalit from 3G to 4G LTE,'' sabi niya.

Ang Globe ay nakagawa ng 13 site upgrades sa apat na bayan ng Aurora province, Baler, Dipaculao, Maria Aurora, at San Luis, sa nakaraang ilang buwan at hinahangad din nito na i-modernize ang buong network sa lalawigan.

''Masaya kaming ipaalam sa aming customers sa Baler, Aurora na mayroon na silang access sa mas malinaw na tawag, pagpapadala at pagtanggap ng SMS real-time, at mas mababang latency sa pag-browse sa kanilang mga paboritong site sa pamamagitan ng pag-upgrade ng kanilang SIM cards at pagtiyak na ang ginagamit na device ay puwede ang 4G LTE,'' sabi ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President ng Program Delivery, Network Technical Group.

Upang matulungan ang mga customer sa Baler na lumipat sa 4G LTE, itinalaga ng Globe ang mga sumusunod na establisimyento na libreng i-upgrade ang kanilang SIM card: Maricel Store sa Barangay Buhangin, Grace Store sa Barangay Suclayin, at Flora Store sa Barangay Sabang.

Kung papayagan ng quarantine protocols ng kanilang lugar, maaari rin silang pumunta sa pinakamalapit na tindahan ng Globe upang palitan ang kanilang SIM card. Pareho pa rin ang magiging numero ng mga customers kahit magpalit sila ng 4G LTE SIM card. Para sa iba pang katanungan, i-click ang link na ito.

Ang mga customer na nasa labas ng Baler ngunit nais na mag-upgrade ng kanilang mobile devices ay maaari ring pumunta sa kahit anong tindahan ng Globe upang makita ang mga abot-kayang 5G-ready 4G LTE capable mobile devices. 

Ang agresibo at napapanatiling network builds, at pag-upgrade ng Globe ay nagpapakita ng pinahusay na overall customer data experience habang ang telco ay umusbong bilang isa sa pinakamahusay sa mobile average download speed across all technologies. Mula sa 13.50 Mbps noong Q4 2019 to 16.44 Mbps ng Q4 2020, may 22% improvement ayon sa data ng Ookla (batay sa pagsusuri ng Ookla® ng Speedtest Intelligence® data na kinumpara ang mean download speed ng Q4 2019 to Q4 2020. Ang trademark ng Ookla na ginamit sa ilalim ng lisensya at reprinted nang may pahintulot).

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG), partikular ang UN SDG No. 9 na binibigyang diin ang tungkulin ng imprastraktura at pagbabago bilang kritikal sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang Globe na itaguyod ang 10 United Nations Global Compact principles at 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website o Facebook page ng Globe. 

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.