Photo source: BDO at SM
Patuloy na lumalaban, nagmamahal, at nag-aalaga ang ating mga kapamilyang OFWs na piniling magtrabaho sa ibang bansa para matustusan ang pangangailangan ng kanilang minamahal na pamilya sa Pilipinas.
Tagumpay ng isang magulang ang pagtatapos ng kaniyang anak
Isang single mother si Melanie Calumpong, ayon sa kaniya, kailangan niyang mag-abroad para maibigay ang pangangailangan ng kanyang mga anak. Iba ang sakripisyo at lungkot ng pagkalayo sa pamilya at pagtatrabaho sa ibang bansa.
Ngunit kinakaya ni Calumpong ang lahat para sa ikagiginhawa ng kaniyang pamilya.
Katuwang niya sa pagtataguyod ng kaniyang mga mahal sa buhay ang BDO para makapag-ipon at makapagpadala ng remittance.
"Sa tagal na customer ako ng BDO, nagpapapasalamat ako sa inyo. Sa mga OFW na katulad ko siguro kahit malayo tayo sa pamilya patuloy lang tayong magsikap, mag-ipon, especially ng pera sa bangko, especially sa BDO," ayon kay Calumpong.
Amang tumatayong lakas ng pamilya
Si Capt. Pierre Alfonso ay matagal nang seafarer. Hindi man tiyak ang kaligtasan sa dagat, sinusuong niya ang mga alon at panahon para maibigay ang mas magaang buhay sa kaniyang pamilya.
Sa loob ng 20 taon, isang loyal client ng BDO si Alfonso. Katuwang niya ang serbisyo ng bangko sa pagpapadala ng remittances at pag-iipon para sa iba't-ibang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
"BDO ang recommended ng mga manning agencies sa amin sa Iloilo dahil sa trust. Talagang sa mga baguhang seafarer, BDO ang nire-recommend para doon ipadala ang allotment. Salamat BDO at ako ay talagang natutuwa sa serbisyo ninyo sa akin at aking pamilya," masayang pagbabahagi ni Alfonso.
Single mom na babangon at magpapatuloy para sa pamilya
Bilang isang OFW sa Dubai, hindi naging madali ang buhay para kay Philline Bliss Dunque. Nawalan ng trabaho si Dunque dahil sa lockdowns at paghina ng ekonomiya ng mga bansa sa buong mundo. Ngunit ayon kay Dunque, hindi siya pinabayaan ng Diyos dahil agad din siyang nakahanap ng trabaho at sa mas malaki pang kumpanya na kaniyang pinagtatrabahuhan ngayon.
"Ang dami kong challenges na experience abroad pero ang importante doon maging matatag ka lang para lahat ng pangarap mo sa buhay ay makakamit mo," pagbabahagi ni Dunque. Sa pagiging single mom ni Dunque hindi siya natitinag sa pag-abot ng kaniyang pangarap habang sinisigurado rin niya na matibay ang relasyon nila bilang mag-ina.
"Malaking bahagi ang BDO sa buhay ko kasama ng anak ko kase bilang isang OFW napakahirap, we need to find ways to send money pero sa BDO sobrang dali," ayon kay Dunque. Sa kaniyang determinasyon nakapag-ipon na rin siya at nakabili ng lupa. Ang kaniyang anak naman, sa murang edad nito ay natuto na ring mag-ipon sa BDO dahil sa impluwensya ng ina.
Katuwang ng bawat Pilipino saan mang bahagi ng mundo
Bilang katuwang ng mga OFW sa buong mundo, malaki ang pasasalamat ng ating mga kababayan sa BDO dahil pinadali at ligtas ang pagpapadala ng remittances at pag-iipon ng bawat pamilyang Pilipino, saan man sa mundo.
Ang remittance ay diretsong kine-credit sa BDO Kabayan Savings ng OFW beneficiaries sa loob lamang ng ilang minuto. Madali pang mag-withdraw dahil ang BDO ay may Cash Agad service kung saan puwede mag-withdraw sa suking tindahan, hardware, bakery, gas station at iba pa. Malaking tulong ito sa mga pamilyang nasa malalayong lugar, probinsya, walang malapit at madaling access sa bangko, padalahan ng pera, o ATM. Bukas din ang BDO customer service 24/7 at handang maglingkod sa mga may katanungan tungkol sa BDO Remit transactions.
Katuwang din ang BDO para sa mas angat na kinabukasan dahil ang pagkakaroon ng magandang savings at credit record sa bangko ay makatutulong sa pagkuha ng home loan, business loan, o auto loan.
Taunang Pamaskong Handog ng BDO at SM
Mula pa noong 2012, ginagawaran na ng parangal ng BDO at SM ang OFWs sa pamamagitan ng Pamaskong Handog. Nitong Disyembre 2022, hinarana ng kapamilya star na si Piolo Pascual ang ating mga kababayang OFW na dumalo sa pagdiriwang sa SM City Santa Rosa, SM City Iloilo, at SM CDO Downtown Premier.
(Far left) Melanie Calumpong with Piolo Pascual and other recognized overseas Filipinos –Capt. Pierre Alfonso with his wife (middle photo) and Philline Bliss Dunque (3rd photo) Photo source: BDO at SM
Hindi lamang sa araw ng Pamaskong Handog, kundi all-year round ay mayroong exclusive offers ang BDO Kabayan Savings account holders sa: SM Store, SM Appliance, SM Supermarket, SM Hypermarket, at Savemore; ito rin ay bahagi ng pagnanais ng SM na magsama-sama at magkaroon ng quality time ang buong pamilya sa SM.
Para sa karagdagang impormasyon, latest OFW promos at events, visit BDO Kabayan Facebook page.
NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.
BrandNews, life advertorial, advertorial, BDO, remittance, OFW, overseas Filipino, kababayan, kabayan