Update sa Huawei, tampok sa conference sa China

Huawei

Posted at Aug 23 2019 07:55 PM | Updated as of Aug 23 2019 07:58 PM

Sa kabila ng US trade ban, matagumpay na inilunsad ng Chinese technology giant na Huawei ang 2019 Huawei Developer Conference (HDC 2019), na naganap sa Dongguan City, China. 

Kabilang sa mga dumalo ang mahigit 1,500 mga katrabaho ng Huawei, 5,000 developers, technology journalists, at bloggers. Ang HDC 2019 ang paraan ng Huawei upang mapatunayang matatag ang kanilang negosyo sa harap ng mga pagsubok.

Ang mga dumalo ay nabigyan ng pagkakataong libutin ang 120 hektaryang Huawei OxHorn Campus na matatagpuan din sa Dongguan City, ang sentro ng research & design ng kompanya.

Bukod sa pangunguna ng kompanya sa 5G technology, patuloy din itong umaagaw ng pansin sa nangunguna nitong mga serbisyong pinatatakbo ng modernong teknolohiya. 

Dahil malakas ang kanilang research & design, o R&D capability kung tawagin, hindi kataka-taka na mabilis mag-upgrade ang kanilang mga produkto, gaya ng custom mobile operating system EMUI 10.0, "Hongmeng" system, at kanilang sariling micro-kernel based operating system na 'Harmony OS.' Pinag-usapan din sa nasabing pagtitipon ang mga kaabang-abang na mga makabagong teknolohiya gaya na lamang ng Smart City.

Tungkol naman sa kasalukuyang plano ng Huawei sa Pilipinas, ang pinakamalaking telco equipment firm sa mundo ay handa nang ilunsad ang kulay na Amber Sunrise sa kanilang flagship product na Huawei P series sa Greenbelt. Nais nito’y maiangat ang smartphone experience gamit ang mga Swarovski at Louis Vuitton phone cases.

NOTE: BrandNews articles are promotional features from our sponsors and not news articles from our editorial staff.